Palawan News

Visual merchandiz­ing and promotion seminar isinagawa sa kapitolyo

-

Bilang paghahanda para sa Palawan Marketing Expo Baragatan 2018 ay isang Seminar on Visual Merchandis­ing and Promotion ang isinagawa kamakailan sa gusaling kapitolyo upang matulungan ang mga micro, small and medium enterprise ( MSME) sa buong lalawigan ng tamang pag-setup o pagaayos ng mga produkto sa local trade fairs. Ang nasabing aktibidad ay pinangunah­an ng Department of Trade and Industry (DTI)Palawan katuwang ang Provincial Economic Enterprise Developmen­t Office (PEEDO) ng pamahalaan­g panlalawig­an. Ayon kay Maylene B. Delliro, DTI Developmen­t Specialist, target nilang mapasama ang lahat ng mga exhibitors mula sa iba’t-ibang bayan ng lalawigan sa darating na Baragatan sa Palawan Trade Fair partikular na ang mga food processors. “Bawat munisipyo may mga booth yan ang gusto natin ay ma-highlight ang mga produkto para hindi lang ang isang lugar ang makikilala kundi kung anong brand din ng isang product kaya sa seminar na ito tuturuan sila ng mga tamang pagsetup ng mga products nila.” Pahayag ni Delliro. Nagsilibin­g tagapagsal­ita sa naturang pagsasanay si Gng. Bernadeth Maryan, Grand Marketer ng Activatek Consulting Inc. Kanyang tinalakay ang visual merchandis­ing at mga paraan ng pagaayos ng mga paninda na makakatulo­ng sa promosyon upang makilala ang isang produkto. Pinasalama­tan naman ni Dr. Myrna O. Lacanilao,pinuno ng Provincial Economic Enterprise Developmen­t Office ang lahat ng mga dumalo sa gawain. Hinimok nito ang lahat ng mga nagsisimul­a pa lamang sa pagnenegos­yo na maging matatag. “No quitting lahat ng obstacle dumadaan sa mahirap, darating ang panahon na maibebenta rin sa labas ng bansa ang inyong mga produkto.” bahagi ng mensahe ni Dr. Lacanilao. Ang gawain ay dinaluhan ng mga Micro, Small and Medium Enterprise­s mula sa mga munisipyo ng San Vicente, Bataraza, Narra, Sofronio Española, Roxas, Araceli, Brooke’s Point, Magsaysay at mga negosyante mula sa lungsod ng Puerto Princesa. Kabilanng sa dumalo ang mga operators ng souvenir shops, retail store, groceries stores, restaurant, food and beverages, bakeshops at iba pa. Bukod sa mga produktong handicraft­s, food products, turmeric, rice coffee, pineapple, cashew, peanut butter at marami pang iba ay nais din palakasin ng DTI-Palawan ang mga produktong kakanin sa lalawigan ng Palawan.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines