Palawan News

Tatlong lalaki arestado sa sunod-sunod na drug operations ng pulisya

- By Ed Agarap Correspond­ent

Arestado sa magkakasun­od na anti- illegal drug operations ng City Police Office ( CPO) ang tatlong kalalakiha­n kahapon, ika- 22 ng Abril, bandang 6: 30 sa magkakahiw­alay na lugar sa lungsod. Ang mga suspek ay kinilalang sina Jerome Brian Camacho, Geronimo Roque at Romeo Carlos. Ayon kay Chief Inspector Mervin Emmaculata, unang naaresto si Camacho sa Barangay San Manuel ng pinagsanib na puwersa ng CPO at ng Anti- Crime Task Force ( ACTF) ng pamahalaan­g lungsod. Inaresto siya matapos diumanong magbenta ng 12 stick ng marijuana na nagkakahal­aga ng P1,200. Sa kanyang salaysay ay sinabi niyang nagawa lamang nyang magbenta ng marijuana para makalibre sa paggamit. Habang nagiimbent­aryo ang joint police at city government team ng mga nakumpiska kay Camacho, nakatangga­p ang mga ito ng tip na ang isa pang operasyon sa Barangay San Jose ay may positibong resulta. Pagtungo sa lugar ay inaresto ng mga ito si Roque, “alias Dragon Balls,” 56- anyos, na nahuli habang nasa aktong nagbebenta ng pinaghihin­alaang shabu sa isang police asset. Itinuturin­g na high value target ( HVT) si Roque dahil ito umano ay isang government employee. Nakuhanan ito ng isang pakete ng pinaghihin­alaang shabu. Todo ang tanggi ni Roque na siya ay sangkot sa pagbebenta ng droga. Bandang huli ay nakipag- cooperate din na naging dahilan ng pagkaka- aresto naman sa suspek na si Carlos sa Mt. View, one 4, Barangay Sta. Monica. Si Carlos umano ang source ni Roque ng ibinebenta­ng shabu. Nakumpiska mula rito ang 2.1 gramo ng pinaghihin­alaang shabu na may street value na P6,000. Nahaharap ngayon ang tatlo sa mga kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2000.

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines