Palawan News

Malaria monitoring sa mga barangay ng Rizal isinagawa ng Global Fund Organizati­on

-

Bumisita sa lalawigan ng Palawan ang Global Fund upang magsagawa ng monitoring visit kaugnay sa pagpapatup­ad ng programa laban sa sakit na malaria. Ang mga barangay na binisita ay yaong may mataas na kaso ng malaria hanggang sa kasalukuya­n sa bayan ng Rizal. Ang Global Fund ay isang institusyo­ng pinansyal na nagbibigay ng malawakang suporta sa mga bansa upang labanan ang pagkalat ng mga pangunahin­g sakit na bumibiktim­a sa mga mahihirap na mamamayan. Ito ay isang pandaigdig­ang organisasy­on na may pangunahin­g layunin na magbigay ng serbisyo patungkol sa pagiwas, paggamot at pangangala­ga ng mga nakahahawa­ng sakit tulad ng Tuberculos­is, (TB), Human-Immunodefi­ciency Virus (HIV)Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) at Malaria. Prayoridad nito ang pagpapataa­s ng antas ng kaalaman sa kalusugan ng mga mamamayan sa buong daigdig partikular sa mga bansang kabilang sa third world countries. Ang naturang pagbisita ay pinangunah­an ni Bb. 4i Cui, Country Portfolio Manager ng The Global Fund kasama ang iba pang kawani ng naturang organisasy­on. Kasama sa grupo ang ilang kawani ng World Health Organizati­on (WHO) na nakabase sa Pilipinas. Naroon din ang ilang kawani mula sa Department of Health (DOH)MIMAROPA gayundin ang kinatawan ng Pilipinas Shell Foundation Inc. (PSFI) sa pakikipagt­ulungan ng Provincial Health Office (PHO) at Kilusan Ligtas Malaria (KLM). Sa kanyang mensahe ay ibinahagi ni Bb. Cui na mayroong inilaan na mahigit sampung-milyong dolyares (USD10M) ang kanilang tanggapan para sa Pilipinas upang tulungan ang bansa sa implementa­syon ng programa laban sa sakit na malaria. Nakapaloob sa tulong na ito ang pagbibigay ng mga commoditie­s upang mas lalong mapaigting ang pagpapatup­ad nito sa mga lalawigan sa bansa lalo na sa Palawan. “We are very lucky na nakakuha tayo ng ka-partner, ang Global Fund who gave us a lot of funds para maibigay natin lahat ng needs ng Palawan including nets at kung ano pang tulong na pwedeng gawin,” ayon kay Marvi Trudeau, Executive Director ng PSFI Ayon pa sa kanya, tuloy-tuloy na ang paggulong ng programa sa pagsugpo ng malaria sa Palawan sa pamamagita­n ng pagtutulun­gan ng iba’tibang ahensiya lalo’t higit ang presensya ng Kilusan Ligtas Malaria (KLM) ng pamahalaan­g panlalawig­an. “We are really happy to say, although malaki pa ang kaso, napakababa na nito compared noong 1999 kung saan tayo nagsimula; mga 92 % na ang ating ibinaba, ito na ang pinakamaba­bang kaso sa buong Pilipinas at Palawan nitong taong 2017,” dagdag ni Trudea Ayon naman kay G. Oscar Macam, Nurse V at Program Manager ng Vector-Borne Diseases ng DOH-MIMAROPA, ang lalawigan ng Palawan pa rin ang may malaking kontribusy­on sa kaso ng malaria sa buong Pilipinas. Ito rin ang tanging lalawigan sa buong rehiyon ng MIMAROPA na nananatili­ng may kaso ng malaria. Aniya, mayroon nang naideklara­ng malariafre­e sa rehiyon, at ito ay ang mga lalawigan ng Marinduque at Romblon. Nakatakda rin maideklara­ng malariafre­e ang lalawigan ng Oriental at Occidental Mindoro pagkatapos na maisagawa ang assessment kaugnay nito. Nagpasalam­at naman si Gng. Aileen B. Balderian, Program Manager ng Kilusan Ligtas Malaria sa ilalim ng Provincial Health Office ( PHO), sa mga ahensiyang patuloy na nagbibigay ng malaking suporta lalo’t higit sa aspeto ng pagpopondo upang mas mapaigting ang implementa­syon ng programa. “Very thankful kami kasi all out ang support ng Global Fund pagdating sa malaria program, in all the commoditie­s and logistics pagdating sa operation for malaria ay sila ang nagpo-provide” ani Gng. Balderian. Dagdag pa nito , malaki na ang ibinaba ng kaso noong taong 2017 na kung saan nakapagtal­a lamang ito ng humigit-kumulang 3,000 kaso kumpara noong taong 2016 na tinatayang umabot sa 6,000 ang nagkasakit ng malaria sa lalawigan.

 ??  ?? Nagsagawa ng Special Recruitmen­t Activity (SRA) ang ahensiyang MIP Internatio­nal Manpower Services, Inc. katuwang ang Provincial Public Employment Service Office (PESO) para sa mga indibidwal na interesado­ng mag-apply bilang nurses, nursing attendants,...
Nagsagawa ng Special Recruitmen­t Activity (SRA) ang ahensiyang MIP Internatio­nal Manpower Services, Inc. katuwang ang Provincial Public Employment Service Office (PESO) para sa mga indibidwal na interesado­ng mag-apply bilang nurses, nursing attendants,...

Newspapers in English

Newspapers from Philippines