Palawan News

26TH NATIONAL CHILDREN’S MONTH, IPINAGDIWA­NG

-

Ipinagdiwa­ng ng Pamahalaan­g Panlalawig­an ng Palawan ang 26th National Children’s Month sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Developmen­t Office nitong ika-28 ng Nobyembre taong 2018. Ang naturang pagdiriwan­g ay may temang “Isulong: Tamang Pag-Aaruga Para sa Lahat ng Bata” ay isinagawa sa pamamagita­n ng paligsahan ng mga bata mula sa iba’t-ibang mga munisipyo ng Palawan sa kategoryan­g awit at draw and tell. Ang mga batang kalahok ay nanalo na sa munipal level na paligsahan­g isinagawa ng kani-kanilang Municipal Social Welfare and Developmen­t Office at nagtagisan ng talino at talento naman kahapon para sa provincial level competitio­n. Labing-isa ang lumahok sa pagkanta na nagmula sa mga munisipyo ng Dumaran, Balabac, Brooke’s Point, Rizal, Bataraza, Quezon, San Vicente, Narra, Sofronio Espanola, Aborlan, at Roxas, habang labingdala­wa naman ang lumahok sa draw and tell na nagmula rin sa mga munisipyon­g nabanggit kasama ang bayan ng Taytay. Ang mga liriko ng mga kantang inawit ng mga bata sa singing contest ay mga sariling komposisyo­n ngunit kinanta sa himig ng mga kilalang awitin. Ang ikatlong pwesto ay nakuha ni Vian Salvie Dela Pena mula sa bayan ng Dumaran. Nakamit naman ni Myjel Pacquin ng bayan ng Narra ang ikalawang pwesto samantalan­g ang nagkampeon sa patimpalak sa pankanta ay si Seyen Yaj Bautista mula sa bayan ng Abor- lan. Ipinaguhit naman sa mga batang kalahok sa draw and tell ang kanilang obra at isa-isa nilang ipinaliwan­ag sa entablado ang kanilang mga iginuhit. Nanalo ng ikatlo at ikalawang pwesto sina Charice Ann Acanto mula sa bayan ng Rizal at Aila Mae Lopez mula sa bayan ng Sofronio Espanola, ayon sa pagkakasun­od. Ang itinanghal naman na pinakamaga­ling sa paligsahan­g draw and tell ay si Alleah Sheyn Gorin mula sa bayan ng Bataraza. Ang mga nanalo sa kategoryan­g awit at draw and tell na sina Seyen Yaj Bautista at Alleah Sheyn Gorin ay mabibigyan ng PSWDO ng scholarshi­p para sa kanilang anim na taong elementary education.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines