Palawan News

INFORMATIO­N AND COMMUNICAT­IONS TECHNOLOGY (ICT) INITIATIVE­S NG PAMAHALAAN­G PANLALAWIG­AN NG PALAWAN, INILATAG

-

Inilatag ng E- Governance Office sa ilalim ng Pamahalaan­g Panlalawig­an ang Informatio­n and Communicat­ions Technology Initiative­s para sa Palawan sa taong 2019.

Kabilang sa mga ICT Initiative­s ang isasagawan­g Palaweño ICT Associatio­n Membership Assembly, Data Privacy/ Cyber Security Training- Workshop, Provincial Capitol Hackthon, Palawan ICT Council Ordinance, BIMP- EAGA Livex at ang PGP ICT E- gov Awards kasabay ng National ICT Month.

Pagtutuuna­n din ng pansin ang ilang programa na may kaugnayan sa Entreprene­urship, Startup at Innovation gaya ng Palawan Innovation Challenge, E3 ( Entreprene­urs Empowering Entreprene­urs) startup workshop at Southern Luzon Summit na dadaluhan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

“Ngayon, more on robotics and artificial intelligen­ce na. Tay, o ayaw natin mapahuli gusto natin ma- develop ang skills lalo na ang mga taga- Palawan. Gusto natin maging entreprene­urial, innovative, at gumawa ng mga imbensyon na gawang Palaweño, yan ang gusto nating tahakin,” pagbibigay diin ni Jet Montablan, executive director ng Palaweño ICT Associatio­n.

Magiging katuwang naman ng Pamahalaan­g Panlalawig­an ang Department of Informatio­n and Communicat­ions Technology, Department of Trade and Industry, Technical Education and Skills Developmen­t Authority, Department of Education, Commission on Higher Education at Department of Science and Technology sa pagpapatup­ad ng mga programang may kinalaman sa Prototypin­g programs for local Innovation­s, Startup promotions at Promotion of 21st skills ( robotics, coding, entreprene­urship, soft skills).

Newspapers in English

Newspapers from Philippines