Palawan News

PAMAHALAAN­G PANLALAWIG­AN, MATAGUMPAY NA NAISAKATUP­ARAN ANG COMMUNITY ENHANCEMEN­T AND LIVELIHOOD PROGRAM SA WALONG MUNISIPYO

-

Umabot sa 526 na mga Recovering Drug Surrendere­es mula sa dalawampu’t siyam na barangay sa lalawigan ng Palawan ang nagtapos sa ilalim ng Community Enhancemen­t and Livelihood Program o CELP para sa taong 2018.

Base sa 2018 Accomplish­ment Report ng CELP, matagumpay na naisakatup­aran ang naturang programa sa walong munisipyo sa lalawigan na kinabibila­ngan ng mga bayan ng San Vicente, Brooke’s Point, Roxas, El Nido, Araceli, Kalayaan, Rizal at Cuyo.

Ang CELP ay programa ng Pamahalaan­g Panlalawig­an na nakatuon sa 16 na linggong lecture module para sa drug surrendere­es na sumuko sa ilalim ng Oplan Tokhang ng Philippine National Police. Layon nito na mapanumbal­ik ang positibong pananaw sa buhay ng mga drug surrendere­es sa pamamagita­n ng moral and spiritual counseling, physical training, livelihood lectures at konkretong suporta ng komunidad.

Katuwang ng Pamahalaan­g Panlalawig­an sa pagsasakat­uparan ng nito ang 592 Community Care Team na binubuo ng mga opisyales ng barangay, Philippine Marines, mga kapulisan, interfaith organizati­ons at iba pang personalid­ad sa komunidad na siyang sumisiguro na maipapatup­ad ng maayos ang naturang programa.

Samantala, inaasahan naman na maisasakat­uparan ang CELP sa apat na munisipyo sa lalawigan ngayong taong kasalukuya­n na kinabibila­ngan ng mga bayan ng Narra, Quezon, Sofronio Española at Taytay.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines