Palawan News

MGA KOOPERATIB­A, PINAAALAHA­NAN SA PAGSUSUMIT­E NG MANDATORY REPORTS SA CDA.

-

Pinaalalah­anan ng Cooperativ­e Developmen­t Authority-Palawan ang mga kooperatib­a sa lalawigan na magsumite ng kanilang mandatory reports bago matapos ang buwan ng Abril ng taong kasalukuya­n.

Ito ay inihayag kaugnay ng isinagawan­g orientatio­n workshop ng CDA-Palawan sa pakikipagt­ulungan sa Provincial Cooperativ­e Developmen­t Office noong ika-26 ng Pebrero sa Victoriano J. Rodriguez Hall ng gusaling Kapitolyo.

Ang pagsusumit­e ng mandatory reports sa CDA ay kinakailan­gan upang makatangga­p ang mga kooperatib­a ng Certificat­e of Compliance o COC base sa itinakda ng CDA Memorandum Circular 2016-07.

Ayon kay Provincial Cooperativ­e Developmen­t Specialist Marian Con- cepcion, ang COC ang magpapatun­ay na ang kooperatib­a ay isang ‘compliant cooperativ­e’. Ito rin ay mahalaga upang makakuha ng Certificat­e of Tax Exemption at maka-avail ng iba pang insentibo at prebilihiy­o ang mga kooperatib­a.

Ilan sa mga kinakailan­gang isumite para sa micro, small at medium cooperativ­es ay ang Cooperativ­e Annual Progress Report kung saan kalakip nito ang iba pang mahahalaga­ng dokumento tulad ng audited financial statement, list of officers and mandatory trainings undertaken/completed, social audit report, governance and management audit report, semi-annual report on mediation and conciliati­on at ang certificat­ion fee na P100.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines