Panay News

Gabayan ang mga kabataan sa wastong paggamit ng teknolohiy­a

-  By Jean Garb SST-III Estefania Montemayor National High School, Dumarao, Capiz

SA

osa, panahon natin ngayong laganap na ang impluwensi­ya ng internet sa mga kabataan, hindi na sapat na turuan lang sila kung paano ito gumagana. Bagkus, nararapat natin silang turuan kung paano ito gamitin nang wasto upang makaiwas sa disgrasya.

Laganap sa internet ang samu’t-saring mga paksa tulad ng mga videos, balita, litrato, at mga posts na maaring makita at mabasa ninuman. Karamihan sa mga paksa online ay kumakalat sa mga social media sites tulad ng Facebook, Twitter, Instagram, at mga blog.

Dahil malayang makapag-post at makagamit ang sino man sa internet hindi tulad sa mga mainstream media, karamihan sa mga sumisikat na paksa sa internet ay hindi na nasasala ng mga ahensiya ng pamahalaan katulad ng MTRCB (Movie and Television Review and Classifica­tion Board) kung ang mga ito ba ay angkop sa mga bata o hindi.

Datapwat may mga makabuluha­ng paksa online ang makakatulo­ng at makalilina­ng sa pag-iisip ng mga kabataan, marami rin naman ang naglalaman ng mga sensitibon­g tema tulad ng karahasan, sekswal, mga hindi makatotoha­nang kuwento at marami pang iba.

Marami ring naglipanan­g mga masasamang tao sa internet. Ang motibo ng ilan lalo na sa social media, katulad ng mga hackers, ay kumuha ng mga mahahalaga at personal na impormasyo­n ng mga tao at gamitin ito sa kasamaan. Marami na ang nabiktima ng identity theft sa internet kung saan ginagamit ng mga nasabing hackers ang personal na impormasyo­n ng mga biktima upang makakuha ng pera o makapanlok­o ng kapwa.

Noong nakaraang taon, kumalat ang balitang may ilang hackers

ang nakapagnak­aw nang sobra sa 80 milyong dolyar sa Bangko Sentral ng Bangladesh at ipinasa ito sa isang kilalang bangko sa bansa. Hanggang sa mga panahong ito, hindi pa rin tukoy kung sino ang nasa likod ng krimeng ito, at patuloy pa ring sinusubuka­n nang gobyerno ng Bangladesh at Pilipinas na mabawi ang kabuuang halagang nanakaw sa bangko.

May ii land inn am ang gumagamit ng internet para sa kalaswaan at pang-aabuso ng mga kababaihan at kabataan. Laganap sa internet ang mga porn sites kung saan tampok ang ilang Filipina na kumakapit sa patalim dahil sa hirap ng buhay.

Sa katunayan, binabantay­an ang bansa ng United Nations Internatio­nal Children’s Emergency Fund (UNICEF) at ng ilan pang mga banyagang organisasy­ong nagsusulon­g nang children’s rights dahil talamak ang sekswal na pangaabuso sa ating mga kabataan. Ayon sa isang ulat mula sa UNICEF Manila noong 2005, halos 600 kabataang Pilipino edad 7- 17 ang biktima ng pang-aabuso ng isang malawak na organisasy­ong kinabibila­ngan ng mga banyaga.

Tumataas din ang bilang ng mga kabataang nakararana­s ng cyber bullying. Kalimitang nakatatang­gap ang mga biktima ng cyber bullying ng mga masasakit at mapang-lait na mga komento, mga nakakainsu­ltong litrato, me me so videos, oh in di kaya’y mga pekeng accounts sa social media. Ayon sa mga pag- aaral, ang mga batang inaapi sa totoong buhay ay kalimitang inaapi rin sa internet kung kaya’t tila pakiramdam nang mga biktima ay wala nang makakatulo­ng sa kanila o mapupuntah­an.

Maganda ang dulot ng mga makabagong teknolohiy­a at internet sa ating pamumuhay lalo na sa mga kabataan kung ito ay magagamit nang maayos at hindi para sa kasamaan. Dahil sa internet, mas naging madali ang komunikasy­on sa buong mundo at kaakibat nito ang marami pang mga pagbabago lalo na sa edukasyon.

Ngunit, dahil na rin maaring magamit sa kasamaan ang mga makabagong teknolohiy­a, marapat lang na ating gabayan ang mga kabataan sa wastong paggamit ng mga ito. ‘Ika nga, “Think before you click,” at tungkulin nating bilang mga nakatatand­a ang paggabay sa mga kabataan tungo sa wastong paggamit ng mga teknolohiy­a upang sila ay makaiwas sa kapahamaka­n./

Newspapers in English

Newspapers from Philippines