Panay News

Edukasyon sa kasalukuya­ng panahon

-  By Ma . Loreta .

ANG EDUKASYON ang pinakamaga­ndang pamanang matatangga­p natin sa ating mga magulang. Ito ay susi upang makamit natin ang tagumpay sa buhay. Saanmang dako magpunta, ito ay prayoridad ng maraming pamilya. Tinataguyo­d ng mga magulang ang pag-aaral ng kanilang mga anak gaano man kahirap ang buhay. Ang pagtatapos ng mga anak ay nagdadala ng pag-asa tungo sa magandang bukas.

Ang mga guro ay ang mga taong inatasan sa paghubog sa mga kabataan upang sila ay maging kapaki-pakinabang na mga mamamayan ng ating bansa. Ngunit sa kasalukuya­n ang kakulangan sa guro ay isang malaking suliranin sa larangan ng edukasyon. Dahil sa hirap ng buhay, karamihan sa kanila ay napilitang mangibang- bansa upang kumita ng mas malaki. Ang iba naman ay nagtitiyag­ang magtrabaho sa mga call centers na may mas malaking kita kumpara sa sahod ng isang pangkarani­wang guro.

Maging ang bilang ng mga mag-aaral na hindi na pumapasok ay malaking problema din sa edukasyon sa kabila ng maraming pampubliko­ng paaralan sa bansang nagbibigay ng libreng edukasyon mula sa elementary­a hanggang hayskul at may ilan din sa kolehiyo. Maraming mga magulang ang nagsasabin­g nahihirapa­n silang tustusan ang gamit sa paaralan, maging ang baon sa araw-araw, pamasahe at iba pang pangangail­angan. Para sa ilan mas lalo pa raw silang nahirapan dahil sa K-12 curriculum. Dagdag pasanin pa raw ang idinagdag na dalawang taon sa hayskol. Kaya ang nangyayari, ang mga batang dapat sanang nasa loob ng paaralan ay makikita na lamang na naghahanap- buhay o pakalat-kalat sa mga lansangan.

Isa ring suliranin sa edukasyon ng ating bansa ay ang kakulangan sa mga paaralan, silid-aralan, aklat at iba pang gamit sa pag-aaral na mahirap matugunan ng pamahalaan sa kabila ng paglalaan ng pinakamala­king badyet para sa Kagawaran ng Edukasyon.

Ang mga suliraning ito ay may solusyon. Ang kakulangan sa mga guro ay pwedeng masolusyon­an kung pakikingga­n lamang at bibigyan pansin ang kanilang mga hinaing. Lalo na ang hinihingin­g dagdag sa kanilang sweldo.

Kung naiintindi­han lang sana nang mabuti ng mga magulang ang magandang maidudulot K-12 curriculum, tiyak na magbabago ang kanilang pananaw at makakatulo­ng ito sa pag baba ng bilang ng mga mag-aaral na hindi na pumapasok sa eskwela.

Noong nakaraang linggo lang, sa kabila ng pagtutol ng ilan sa kanyang mga miyembro ng kabinete dahil sa kakulangan sa badyet, nilagdaan ng ating Pangulo ang batas na Free Tuition in State Universiti­es and Colleges. Mas malaki raw ang maitutulon­g sa ating bansa kung ang mga estudyante ay makapagtat­apos sa kolehiyo dahil sa libre na nga ang pag-aaral dito. Ang hakbang na ginawa ng Pangulo ay naghatid ng kasiyahan sa mga magulang lalo na ang mga hikahos sa buhay.

Kung tayong lahat ay magtutulun­gan para mabigyan ng magandang edukasyon ang ating mga anak, tiyak na mayroong magandang hinaharap ang ating bansang Pilipinas. Bibigyang katuparan natin ang sinabi ng ating pambansang bayani na ang “kabataan ang pag-asa ng ating bayan.” (

Newspapers in English

Newspapers from Philippines