Panay News

Kasipagan, pagpupunya­gi, pagtitipid, at wastong pamamahala sa naimpok

-  By Leony S. Aguila Ph.D.,

r,

SABI nga nila, “Kung may tiyaga ay mayroong nilaga.” Ang tiyaga na tinutukoy sa nasabing salawikain ay nangangahu­lugang ang kasipagan ay nagbubunga ng maganda at masaganang ani. Ang kasipagan ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad. Ito ay ang matiyagang paggawa o puspusang pagsisikap at pagiging masigasig.

Malaking tulong ang pagkakaroo­n ng kasipagan, pagpupunya­gi at pagtitipid sa paglinang ng mabubuting katangian ng isang tao katulad na lamang ng tiwala sa srili, pagkakaroo­n ng katapatan, disiplina sa sarili at pagkakaroo­n ng lakas ng loob na makihalubi­lo sa kapwa lalung- lalo na sa pamayanan na kanyang kinabibila­ngan. At higit sa lahat, ang mga nasabing katangian ay tumutulong sa isang

Teacher III, Congressma­n Ramon A. Arnaldo High School nilalang upang mapaunlad niya ang kanyang pagkatao at mapabuti niya ang kanyang pakikisala­muha sa kaniyang kapwa at upang maging isa siyang kapakina- pakinabang sa lipunan o sa kanyang bansa.

Mayroong ilang katangian na palatandaa­n na ang isang tao ay nagtatagla­y ng kasipagan, pagpupunya­gi at may kakayahan sa wastong pamamahala ng naimpok. Ang taong masipag ay nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa. Sapagka’t siya ay masipag, sinisigura­do niya na ang kaniyang ginagawa maayos at may magandang kalalabasa­n. Nauukol siya ng pagmamahal sa mga gawaing nakaatas sa kanya, ibinigay niya ang kanyang makakaya uvang maging matagumpay ang adhikain at higit sa lahat ang taong masipag ay hindi umiiwas sa anumang gawain.

Sa kabilang banda, masasabi na ang isang tao ay may katangian ng pagpupunya­gi kung siya ay kayang harapin lahat ng pagsubok na ibinibigay sa kanya. Sa pagpupunya­gi ay kinakailan­gan ng sakripisyo at mahabang pasensya. Ang isang tao na nagpupunya­gi ay nakakarana­s ng maraming karanasan katulad na lamang ng matinding pagod at makarining ng puna mula sa iba ngunit napagtatag­umpayan niya ito sa kadahilana­ng may alab siya upang maabot ang kanyang mga mithiin. Ang pagpupunya­gi ay pagtitiyag­a na maaabot o makukuha ang iyong layunin o mithiin sa buhay. Ito ay may kalakip na pagtitiyag­a, pagtitiis, kasipagan at determinas­yon. At ang pagtanggap sa mga hamon o pagsubok ng may kahinahuna­n at hindi nagrerekla­mo.

KASIPAGAN/17

Newspapers in English

Newspapers from Philippines