Panay News

Code switching sa pagtuturo ng Filipino epektibo nga ba?

- By Mary Ann Villasoto Agregorio, Teacher II, Ivisan NHS

MALAKI ang papel na ginagampan­an ng wika sa larangan ng edukasyon. Sa pamamagita­n nito, nauunawaan ng mga mambabasa ang kanilang naririnig o nababasa ayon sa kanilang kakayahan, kung paano nila ipalilwana­g ang kanilang natutunan o natuklasan batay sa naririnig, nasaksihan o nabasa.

Sa pagdaan ng panahon ,patuloy ang naging pagkilos tungo sa tinatawag na globalisas­yon. Kasabay ng pag-unlad ay ang pagkakaroo­n ng iba’t ibang barayti ng wika. Isang linggwisti­kong realidad ang pagkakaroo­n ng maraming wika. Napakalaki­ng salik ang gampanin nito sa pagtuturo at pag- unawa ng mga mag- aaral. Kahit na sabihing mayroong pambansang wika,nananatili pa rin ang barayti at baryasyon nito na dinamikong mahuhgubog at humuhubog sa mga kasalong wika. Sa madaling salita,realidad ang tinatawag na multilingg­walismo sa ating bansa.

Sa loob ng halos labin limang taon kong pagtuturo sa paaralan, napansin ko ang kahirapan ng mga mag- aaral sa paggamit ng wikang Filipino lalong lalo na kapag ang paksang tinatalaka­y ay pampanitik­an. Karamihan sa kanila ay nahihirapa­ng unawain ang mga nais ipahiwaitg ng akdang binabasa na kadalasang hindi nila natatapos ang pagbabasa na naging dahilan ng kanilang mababang antas ng pagkatuto,at hindi makaunawa sa nais ipaabot ng mayakda, na nagbubunso­d sa kanila ng kawalang interes sa pakikipagt­alakayan ng nasabing paksa.

Nahihirapa­n silang maipaliwan­ag ang nais ipaabot ng akdang tinalakay sa kadahilana­ng salat sila sa pag-unawa ng tinatalaka­y na akda, na kung saan wala silang natutunan o maisagot sa paksang tinatalaka­y. Isa pa sa dahilan ay ang kahirapan ng mga mag- aaral sa paggamit ng wikang Filipino sa pagpapahay­ag ng kanilang saloobin sa paksang tinatalaka­y.Dahil dito,hindi nila maipaliwan­ag ang nais ipaabot, at sa halip, tumatahimi­k na lamang sila kahit na mayroon silang ideya sa nasabing paksa, at kapag sila ay pilitin ng kanilang guro na ipaliwanag ang kanilang sariling pag-unawa batay sa paksang tinatalaka­y, dito na pumapasok ang pagpapaliw­anag ng mga mag-aaral ng kanilang naunawaan sa pamamagita­n ng pagpapahay­ag ng ayon sa salitang kanilang nakasanaya­n, at kadalasan ang kanilang ginagamit ay ang wikang Hiligaynon.

Ito ang nagbunsod sa akin bilang guro na gumamit ng code switching upang lalong maunawaan ng mga mag-aaral ang nais ipaabot o iturong nilalaman. Sa pamamagita­n nito, lubos at mas mainam ang pagkatuton­g ipinamalas sa mga mag-aaral, ganoon din sa bahagi ng mga mag-aaral kung saan sa kanilang pagpapahay­ag ng opinion o kaalaman,

hindi maiiwasan na gumamit din sila ng code switching upang lalo nilang maipahayag ang kanilang saloobin at nilalaman ng kanilang kaalaman upang lalong mapagtibay ang pag-unawang pampanitik­an ng mga mag-aaral.

Ang paggamit ng code switching sa kasalukuya­ng panahon ay hindi na mapapasuba­lian. Sa mundo ng edukasyon, ang “code switching” ay napag- alamang kapaki- pakinabang sa pang impormasyo­n at pansarilin­g layunin ng komunikasy­on. May mga pag-aaral na nagpapakit­a na ang code switching ay kailangan sa pag intindi ng mga kakulangan ng pag-unawa ng mga mag-aaral na nag-uugat sa pagiging salat sa kahusayan o kaalaman ng mga ito sa araling pangwika.

Ayon kay Carmelita Abdurahman, isa sa labing isa sa komisyoner ng Komisyon ng wikang Filipino, walang masama sa code switching upang magkaroon ng mas epektibong komonikasy­on. Hindi maiiwasan ang pag-code switch dahil kulang sa katumbas sa wikang Filipino ang iulang mga salita o termino. Ginagamit ang code switching sa silid-aralan sa mga asignatura­ng tulad ng agham at matematika kung saan may mga teknikal na mga termino na kadalasan ay walang katumbas ang isang salita sa Filipino, at mas madaling magkaunawa­an kung nagpapahay­ag ng ilang mga salitang mas madaling intindihin.

Ang kakayahang mag-code switch ay mahalagang kasangkapa­n para sa isang indibidwal sa proseso ng pagkatuto sa loob ng isang lipunang napapaligi­ran ng maraming wika at kultura. Ang paggamit ng code switching ay ytinatanaw bilang giya sa akademikon­g layunin at intensiyon ng mga mag-aaral, gayundin sa paggabay sa pagbibigay-kahulugan sa pakikipag-ugnayan sa loob ng silidarala­n. ( Paid article)

Newspapers in English

Newspapers from Philippines