Kahirapan: Kailan masusolusyonan?
Kahirapan, Kailan pa kaya natin masusolusyonan? Iyan ang tanging katanungan na hanggang ngayon ay wala pa ring kasagutan. Kahi r apan di t o, kahi r apan doon, kahirapan na kung saan tayo pupunta ay atin pa ring nakikita ang mga mamamayang nagdurusa. Walang damit, walang tirahan at walang makain kaya namamalimos, humihingi nang pagkain habang umiiyak at humuhukay pa nang mga basura upang makakita ang pagkain pantawid gutom.
Krimen ay isa rin sa nga sanhi ng kahirapan. Gumagawa ang mga tao ng karahasan upang masulosyunan lang kani-kanilang problema. Pero bakit kung sino pa ang nakakaangat sa buhay, minsan sila pa yung gumagawa ng kasalanan, bakit? Simple lang, para matakpan ang kanilang mga kasalanan at para malinis ang kanilang mga pangalan.
Korapsyon ay isa rin sa mga sanhi nang kahirapan dahil ang pera para sa mamamayan ang kanilang kinukuha at winawaldas, hindi nila binibigyan ng tulong ang mga pulubi na hindi na nakakakain nang tatlong beses sa isang araw at tirahan man lang na pangsangga sa init man o sa ulan.
Sadyang mahirap ang maging isang mahirap pero madaming paraan upang i to’y l alaban kung ating gugustuhin. Marami na tayong nabali taan mula sa pagiging maralita, ngayon natatamasa na ang kaginhawaan, dahil iyon sa kanilang pagsisikap at pagpupursigi para sa kanilang gustong makamit.
Maraming mamamayan ang nakaranas ng kahirapan, kung mapapansin natin, nagkalat ang mga batang iniwan o inabandona nang kanilang mga magulang na walang ibang matuluyan. Lalo na rin sa mga squatters area. Magulo at tila ba walang kaginhawaan at kapayapaan a lugar na iyon. Kung ating susuriin, mas marami ang bilang ng mga taong sadlak sa kahirapan, pero bakit ang mga taong may mataas na katayuan sa buhay, sa halip na tulungan ang mga ito ay lalo pa nilang tinutulak sa kahirapan. Kaya ang mga mahihirap lalong naghihirap at ang mga mayayaman lalong yumayaman. Dulot ng walang pagkakaisa, may pag-asa pa ba ang bayan na umunlad?
Bilang isang ulirang mamamayang Pilipino, makiisa at makipagtulungan tayo, nang sa gayon ay magkaroon ng magandang kinabukasan. Hindi lam an gakokun di pat iik aw, tayong lahat ay kinakailangan ng pagkakaisa tungo sa kaunlaran. Lahat tayo ay may magagawa para sa kinabukasan ng ating bayan, isang bansa na magagamit, maipagmamalaki at higit sa lahat ay maipapamana sa susunod pang mga henerasyon. (