Panay News

Ilang bagay tungkol sa wikang Filipino

- By Lourie A. Eslaban, Dao, Capiz

ANG WIKANG Filipino ay isang napakagand­a at nakakabigh­aning wika. Ito ay may sari-saring pinagmulan at patuloy na nadadagdag­an ng mga bagong salita sa paglipas ng panahon.

Mahalaga ang wikang Filipino sapagkat ito ay bahagi ng kung ano tayo – ang pagiging Pilipino – kaya dapat nating matutunan ang iba’t-ibang bagay tungkol sa ating wika.

Mayroong kuneksyon ang Tagalog, ang isa sa mga basehan ng wikang Filipino, sa Bahasa Indonesia dahil sa pagpunta ng mga Indonesian dito sa ating bansa ilang libong taon na ang nakaraan.

Atdahil sap a ki ki p ag kala k al ann gm ga Filipino sa iba’t-ibang bansa katulad ng Tsina, nagkaroon ng impluwensy­a ang wikang Instik sa ating wika.

May ambag din ang kolonisasy­on ng mga Espanyol sa ating wika dahil nagtagal sila dito ng higit sa tatlong daang taon.

Patuloy pa rin ang paglawak ng talasalita­an ng wikang Filpino dahil sa pagdagdag ng ilang salita mula sa mga diyalekto sa ating bansa katulad ng salitang napupungaw mula sa salitang Bikolano na ginagamit kapag ikaw ay may na- mimiss; padayon na mula sa Bisayang diyalekto na ibig sabihin ay pagpapatul­oy; matayuyuon isang salita mula sa diyalekton­g Kinaray-a na pwedeng gamitn upang ipahayag na kayang panatilihi­n ang isang bagay.

Mayroon ding mga salitang hiram mula sa ibang bansa katulad ng tren (mula sa train), trapik ( mula sa traffic), at keyk ( mula sa cake). Ang mga naggamit na salitang hiram ay may klaster o kambal katinig.

Mula sa kambal, magpunta naman tayo sa tambalan -- mga tambalang salita. Ang mga tambalang salita ay ang kumbinasyo­n ng dalawang salita na iba ang kahulugan kapag pinaghiwal­ay ang mga ito at nagkakaroo­n ng iba pang kahulugan kapag ang dalawang salitang ito ay pinagsanib-puwersa. Ilan sa mga halimbawa ay taingang kawali na ibig sabihin ay nagbibingi­bingihan; sirang plaka na ibig sabihin ay paulit-ulit na sinasabi; at matapobre na ibig sabihin ay ‘yung tipong mababa ang paningin sa mga maralita.

Mayroon din na mga matalingha­gang salita na ginagamit sa pagpapahay­ag ng damdamin gamit ang mga malalim na salita katulad ng hitk sa bunga na ibig sabihin ay biniyayaan; basang sisiw o kaawa-awa; at butas ang bulsa o walang pera. Ito ay makakadagd­ag ng emosyon sa anumang kwento sapagkat ito ay gumagamit ng malalim na pananalita.

May mga salita din na nagbabago ang kahulugan sa pagdiin ng tunog sa ibang pantig: ang labi ay maaring maging lips o katawan ng namatay na; ang dama ay maaring maging checkers or feel; ang pasa ay “a pass” o sugat, depende sa kung saang pantig ang bibigyan mo ng diin. Mas madaling ituro ang wastong gamit ng mga salita gamit ang context clues o ang pagbibigay ng detalye tungkol sa isang salita gamit ang natitirang salita sa pangungusa­p. Ilan lang ito sa mga bagay na matututuna­n ng ating mga estudyante sa asignatura­ng Filpino.

Kahit na I ngles ang ginagamit bilang panggunahi­ng lenggwahe ng komunikasy­on sa mga negosyo at opisina ng gobyerno, mayroon paring silbi ang wikang Filipino dahil ito ay ginagamit sa paghatid ng impormasyo­n at sa pakikipagu­sap sa mga iba ang diyalekto sa atin. ( Paid article)

Newspapers in English

Newspapers from Philippines