Panay News

Pahalagaha­n ang ating sariling wika

- By Anna Lorraine O. Ubugan

NAKALULUNG­KOT isipin na sa paglipas ng panahon unti unti nang nakaligtaa­n mismo ng mga Pilipino ang pagpahalag­a sa sa sariling wika .

Hindi na pinapansin ng taong bayan na ang wikang Filipino sa ngayon ang tanging instrument­o na siyang maka pag iisa sa 7,107 na isla sa buong Pilipinas kung saan makikita ang ibat ibang kultura ,etniko at magkakaiba­ng dayalikto.

Nakalimuta­n na din yata ng mga Pilino na imposible sa atin ang mamuhay ng normal sa lipunan ng walang sariling wika kaya nararapat lamang na mahalin natin ang wika mayroon tayo.

Baklit nga ba sadyang nakalimuta­n na ng mga Pilpino ang pahalagaha­n ang sariling wika?

Hindi maiiwasan na isa ang globalisas­yon sa mga dahilan. Hindi mapagkaila na marami na din ang napadpad sa ibang bansa sa mithiin na mapaganda ang buhay kung kaya’t doon ay naukit sa kanilang isipan na ang Ingles ang yaong pangdaigdi­gang wika kung kayat dito na nabaling ang kanilang atensiyon.Hindi nga mapagkaila na ang wikang Ingles ang susi sa pangdaigdi­gang kalakalan pero hindi pa rin ito sapat na dahilan upang iwaksi nating mga Pilipino ang sariling atin.

Sabi nga ni Gat. Jose Rizal:”Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda”.

Hindi pa huli ang lahat upang muling yakapin ng bawat Pilipino ang sariling wika. Nararapat na hindi lamang natin itong pahalagaha­n kundi ipaglaban. Nakakalung­kot din na minsan mismo ang mga Pilipino pa ang ikinakahiy­a ang sariling wika pero oras na para muli natin itong ipagmalaki.

Muli nating balik tanawin ang nakaraan kung paano nagbuwis ng buhay ang ating mga bayani upang kalayaan ay ating makamtan. Kaya ba nating sayangin ang kanilang pinaghirap­an, sakripisyo luha at dugo na dumaloy para lamang magiging malaya tayo bilang isang bansa?

Huwag nating kalimutan na kung hindi sa pakikibaka ng mga unang henerasyon na nagbuwis nga kanilang buhay ay marahil hindi natin narating ang ating mga kinatatayu­an sa ngayon.

Kung kayat oras na para muli nating mahalin, pahalagaha­n at ipagmalaki ang wikang Filipino na siyang simbolo ng ating pagkatao na malaya sa pangaapi ng sinumang dayuhan-simbolo ng Pilipino na kayang harapin ang buong mundo. ( Paid article)

Newspapers in English

Newspapers from Philippines