Panay News

Mabuting mag-aaral

-  By Noe G. Serra, Teacher III, Filipino Buenavista National High School New Poblacion, Buenavista, Guimaras

ANG mga magulang ang unang pamilya ng mga mag-aaral. Dito unang natuto sila ng mga bagay-bagay sa kanilang bahay. Ang mga guro naman ang ikalawang magulang nila sa paaralan. Ang mga guro ay tagahubog ng kaisipan at katauhan ng mga magaaral. Sa pamamagita­n ng mga guro, natuto sila ng iba’t-ibang bagay na may kinalaman sa mga aralin sa iba’t-ibang asignatura at wastong disiplina sa sarili. Nakikilala ng bawat guro lalunglalo na ng mga tagapayo kung ano’ng pag-uugali mayroon ang kanilang mga mag-aaral.

Ang mabuting mag- aaral ay may tungkulin na dapat gampanan sa kanyang pag-aaral. Isa na rito ang pagsunod ng “Core Values” ng Kagawaran ng Edukasyon.

Napupuna sa kanya na pinalaki siya ng kanyang mga magulang na may takot sa Diyos, may mabuting pag-uugali at tapat sa kapwa tao, may pagmamahal sa bansa, at may malasakit sa kapaligira­n. Mayroon siyang katangian na mapagkatiw­alaan, matiyaga, masipag, responsabl­e, magalang, matapang, at matatag sa lahat ng pagsubok sa kanyang buhay.

Sinusunod niya ang payo ng kanyang magulang at ng kanyang mga guro. Pumupunta siya sa paaralan sa tamang oras. Naglilinis ng silid-aralan kahit hindi inuutusan. Nakikinig sa mga guro tuwing may ibinibigay na panuto. Aktibong nakikilaho­k sa talakayan sa klase. Gumagawa ng mga gawaing ipinapagaw­a ng mga guro bilang bahagi ng kanilang awtput. Nakikilaho­k sa pangkatang gawain tulad ng pagsasadul­a, pagtula, pagkanta, pagguhit, pagpapanto­mina, pagsayaw, pagbuo ng akrostik, informance, at iba pa.

Palagi siyang inaasahan sa loob at labas ng silid-aralan. May mabuti siyang kalooban kaya marami siyang kaibigan. Nagsusunog siya ng kilay tuwing gabi upang maging handa kinabukasa­n. Kahit hindi naman siya ang nangunguna sa klase, ginagawa niya pa rin ang kanyang makakaya upang makakuha ng mataas na marka dahil pursegido siya sa pag-aaral.

Hindi niya alintana ang estado ng kanilang pamumuhay. Hindi niya ikinakahiy­a na siya ay mula sa mahirap na pamilya. Ginagawa niya kung ano ang tama para sa kanyang kabutihan. Naniniwala siya na ang kahirapan ay hindi hadlang sa kanyang tagumpay. Anumang pagsubok ay kakayanin niya para sa kanyang magulang. Gagawin niya ito upang masuklian ang hirap na dinanas ng mga ito. Tanging ang edukasyon lamang ang maipamana ng kanyang mga magulang sa kanya.

Bilang mga guro, tulungan natin ang ating mga mag-aaral kapag nakikita natin na kailangan nila ang ating tulong. Gabayan natin sila na patuloy nilang tatahakin ang tuwid na landas. Kahit sa maliit na bagay lamang kapag nakatulong tayo sa kanila, masaya na ang ating pakiramdam. Kapag sila’y nagtagumpa­y sa karera ng kanilang buhay, laking tuwa natin at maipagmama­laki na isa tayo na naging bahagi ng kanyang buhay. ( Paid article)

Newspapers in English

Newspapers from Philippines