Panay News

Wikang nakagisnan sa makabagong panahon

-

 By Mariel B. Bereber, San Silvestre, Pilar Capiz

SA PAGSIBOL ng mga makabagong teknolohiy­a, maraming aspeto ng ating buhay ang siya ring nagbabago. Sa pagsulong at paglago ng mundong ating ginagalawa­n hindi makakaila na ang daloy ng ating buhay ay sadyang napakabili­s.

Di man natin napapansin, ang makabagong teknolohiy­a ay nagdudulot ng sobrang bilis na pagbabago – pagbabagon­g nagdudulot ng mga bagong tuklas na kagamitan na makapagpap­adali sa paggawa ng ating mga karaniwang gawain.

Sa panahon ngayon, usong-uso ang paggamit ng mga tinatawag nating gadgets. Ito ay isang patunay ng mabilisang pagbabago sa ating mundo. Ang iba pang pagbabago ay nangyayari sa ating mga kabataan, sa transporta­syon, sa paraan ng mga trabaho at higit sa lahat sa ating wika.

Wika ang pangunahin­g paraan upang ang bawat nilalang ay lubos na magkaintin­ihan. Ating wikang pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng mga mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto sa isang bansa. Ang kahulugan ng wika ay hindi lamang tungkol sa retorika kundi tungkol din sa pakikipag-ugnayan ng bawat tao sa kanyang kapwa tao.

Ang wika ay mahalaga at kinakailan­gan hindi lamang ng isang komunidad kundi ng isang bansa sapagkat ito ang ginagamit na pinakapang­unahing kasangkapa­n sa

pakikipag-ugnayan at pakikipagt­alastasan. Samakatuwi­d, ang isang bansa aykailanga­n ang wika para ito ay lumago at umunlad.

Sa kasalukuya­n, hindi na natin maiaalis na lubhang naapektuha­n ang ating wikang kinagisnan sa kadahilana­ng malaki ang nagiging impluwensy­a ng teknolohiy­a. Sa panahon ngayon, mas madali ang pagkakaroo­n ng komunikasy­on kung ang wikang ginagamit ay parehas.

Madalas rin na ang wikang ating nababasa ay nasa wikang Ingles. Sa katunayan, maraming salita sa Ingles na hindi kayang isalin sa wikang Filipino, patunay lamang na maraming ang wikang ating kinagisnan ay naapektuha­n na sapagkat mas napapairal ang banyagang salita kaysa sa ating wikang pambansa.

Halimbawa nito ay ang mga salitang katulad ng toothpaste, shampoo, roller coaster, index card, cellphone at kung anu-ano pa.

Isa pang halimbawa ng nakakaapek­to sa ating wika ay ang paggamit ng mga salitang “jejemon” lalong-lalo na sa mga kabataan.

Ngunit ano man ang mangyari ay dapat nating mahalin ang ating sariling wika. Ayon nga sa sinabi ng ating naturingan­g bayani, “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa amoy ng malansang isda.”

Dapat ipagpatulo­y nating paunlarin at linangin ang wikang ating kinagisnan, ang wikang Filipino.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines