Pakikipagsapalaran sa Ibang Bansa
Noong una kaysarap ng aking pakiramdam mag-aayos ng papel upang mangibang bayan sabi ko sa sarili magkakaroon na ng katuparan. mabigyang kasiyahan ang pamilyat mahango sa kahirapan habang papalapit aking pag-alis. pinagmamasdan at itinatanim sa isip ko ngiting matatamis. iniisip sa pag-alis ko lahat ng mahal ko aking ma-mimiss. doon sa ibang bansa ako’y mag-iisa at magtitiis. sumapit ang araw ng pangingibang bayan. si inay si itay sumama sa paliparan. sakit ng loob ko akin lang pinipigilan. ayaw kong kanilang makita..ako’y aalis na luhaan. Paglipad ng eroplanong aking sinasakyan. sabay patak ng luha kong hindi na mapigilan. kaba sa dibdib ko akin ngang naramdaman. “Dios ko kaw na po ang bahala” ang syang aking naturan.
Dito sa ibang bansa tiniis ang kalagayan. iba’t-ibang lahi ang nakasama at pinakikitunguhan. tiis at pasensya lang akin din malalampasan. lahat ng sakripisyo ko’y para sa pamilyang naiwan.
ala naranasang di matulog ..sikmura’y kumakalam. minsan pa’y nakaririnig salitang maaanghang. tingin sa katulad ko’y isang maliit na langgam.
tatawag si nanay..sasabihin ko “ok lang”. kailangan magpadala matrikula ni junior sa pasukan. cge po ‘nay..mamaya po ako’y magpapaalam. wag po kayong mag-alala..sarili nyo’y iyong ingatan!
Lahat isasakripisyo hanggat aking makakaya. kaunting kasiyaha’y maibigay sa pamilya. titiisin ang lahat kahit ako ay magdusa. mabigyan kasiyahan sila...ako di’y maligaya.
mahirap malayo sa mga mahal sa buhay. lalo’t mag-isa ka at wala kang karamay. kahit gaano katatag hindi ko rin maiwasan. gabi-gabi sa pagtulog ko larawan nyo ay titigan.
sadyang kayhirap ang mangibang bayan. inakala ng iba mapera na at mayaman. anong hirap makisama sa iba’t-ibang dayuhan. mas masarap pa rin manilbihan sa lupang sinilangan. (