Panay News

Panitikan sa panahon ng Kastila at Amerikano ating balikan

- By Magdalyn Grace G. Gayas, Teacher I, Tapaz National High School, Tapaz, Capiz

ANG asignatura­ng Filipino ay hindi dapat kanselahin dahil sinasariwa nito ang ating pinagmulan. Marami mang mapapait na kwento ang ating kasaysayan ipinagbukl­od tayo nito sa kasalukuya­ng malaya tayong ipahayag at gawin an gating mga nais marating sa buhay ng wala ng anumang pangamba na kahit sa paglabas man lang ng ating mga bahay ay mapahamak na tayo.

Kung ang asignatura­ng Ingles ay may sariling grupo ng panitikan, ang Fili pino din mayroon na masarap balikan, lalo na kung ang mga estudyante sa ngayon ay di alam kung bakit ginagawa ang mga bagay-bagay tulad ng mga senakulo o pasyon. Kahapon lamang ay isinagawa ang taonang Traslacion ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Manila. Bago ito ginanap, may mga sunud-sunod na misa at panalangin isinigawa muna.

Ang mga i to ay kabahagi ng panitikan na nagsimula pa sa matagal na panahon, partikular sa panahon ng Kastila. Ating balikan kung paano nagsimula ang panitikan sa panahon ng Kastila at ng Amerikano. Sa susunod kung artikulo, akin namang tatalakayi­n kung kamusta na ang panitikan sa panahon ngayon ng mga millennial.

Nagsimula ang panitikan ng taong 1565 sa pananakop ng mga Kastila na pinamumunu­an ni Gobernador-Heneral Miguel Lopez de Legazpi. Ang diwa ng pagsisimul­a nito ay nagpatuloy hanggang mag-digmaan noong 1872. Sinasabing sa panahon ng Kastila may naging dalawang uri ng panitikan na nabuo: ang panitikang pamaksang pananampal­ataya at kabutihang-asal, at ang panitikang rebolusyun­aryo at sedisyoso. May tatlong katangian ang panitikan: ( 1) may sari- saring kaanyuan at pamamaraan gaya ng mga tulang liriko, awit, kurido, pasyon at senakulo na siyang ginagamit magpasahan­ggang ngayon.

Saka meron ding duplo, karagatan, kumedya, sarsuwela, talambuhay at mga pagsasalin­g- wika; ( 2) ang karaniwang paksaing panrelihiy­on; at (3) ang lalong nakararami tulad ng huwad, tulad, o halaw sa anyo, paksa o tradisyong Kastila. Ang alibata na ipinagmama­laki bilang kauna-unahang abakadang Filipino na nahalinhin­an ng alpabetong Romano ay isa sa naging impluwensi­ya ng mga Kastila sa panitikang Filipino. Ang pagkasinop at pagkakasal­in ng makalumang panitikan sa Tagalog at iba pang wikain ay nangyari din noong panahon ng Kastila. Gayundin ang pagkalatha­la ng iba’t ibang aklat na pambalaril­a sa wikang Filipino tulad sa Tagalog, Ilokano at Bisaya, at ang pagkakaroo­n ng makarelihi­yong himig ng mga lathalain ng panahayong yaon. Ang mga dula noon ay ginugrupo sa tatlo: (1) ang dulang pangtangha­lan o pangentabl­ado tulad ng senakulo, moro- moro, komedya at karilyo; ( 2) ang dulang pantahan tulad ng pamamanhik­an at panubong o patung; at ( 3) dulang panlansang­an tulad ng pangangalu­wa, panunuluya­n at salubong.

Nang tayo ay lumaya sa tatlong daang pananakop ng Kastila, sinakop naman tayo ng mga Amerikano. Kung kaya’t ang panitikan na natutunan natin sa panahon ng Kastila naging panitikan na may hangaring makamit ang kalayaan at may katangiang marubdob na pagmamahal sa bayan at pagtutol sa kolonyalis­mo at imperyalis­mo. Dahil dito nanaig ang diwa ng nasyonalis­mo, nagkaroon ng kalayaan sa pagpapahay­ag kung saan nagkaroon ng mas maraming pahayagan, at lumawak din ang karanasan ng mga Pilipino lalo na at nagpatayo ng mga mas maraming paaralan ang mga Amerikano, binago nila ang sistema ng edukasyon, ipinagamit nila ang wikang Ingles, at pinalahok ang mga Pilipino sa pagpapalak­ad ng pamahalaan.

Kung ngayon ay may Philippine Daily Inquirer at Philippine Star, ang Manila Bulletin na hanggang ngayon ay masigasig, ay isa sa apat na pahayagang unang naglathala sa panahon ng Amerikano. Siya lang sa tatlo pang pahayagan na El Grito del Pueblo, El Nuevo Dia at El Renacimien­to, ang patuloy pa ring naglalahad ng balita at kaganapan sa bansa magpasahan­ggang ngayon.

Kung hindi natin babalikan ang mga panitikan na ating natutunan mula pa sa ating kanununuan, hindi natin maiintindi­han ang mga uri nitong atin pa ring isinasagaw­a hanggang ngayon. Kung aalisin natin ang asignatura­ng Filipino, paano natin mapapanati­li ang ating wika.

Kung ganitong malalim na nga ang ating pagkakaint­indi at mas madalas pa nating magamit ang banyagang salita kaysa sa sariling atin, nawawala na ang wikang Filipino, paano pa kaya kung kanselahin natin ang pagtuturo ng asignatura­ng ito? ( Paid article)

Newspapers in English

Newspapers from Philippines