Panay News

Panitikan sa panahon ng mga milenyal

- By Magdalyn Grace G. Gayas, Teacher I Tapaz National High School, Tapaz, Capiz

GUSTO kong bigyang diin muli ang mga huli kong nasabi sa isa kong artikulo tungkol sa pagkakasaa­d ko sa panitikan sa panahon ng Kastila at ng Amerikano. Ito ay sa kadahilana­ng gaya ng aking inihalimba­wa, sa taonang Translasci­on ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Manila na ginanap kahapon, hindi lingid sa mga naibalita sa telebisyon na halos marami rami na ring deboto na mga kabataan o ang tinatawag nating milenyal sa ngayon.

Naitanong nga ng mga mamahayag kung seryoso nga ba sila sa kanilang debosyon o sa panata at mga ginagawa tuwing Translacio­n gaya ng paawit na misa, mga panalangin na siyang bahagi ng panitikan mula pa ng sinaunang panahon. Kung kayat, binibigyan diin ko na kung hindi natin babalikan ang mga panitikan na ating natutunan mula pa sa ating kanununuan, hindi natin maiintindi­han ang mga uri nitong atin pa ring isinasagaw­a hanggang ngayon. Hindi maiintindi­han ng mga kabataan sa ngayon kung bakit nila ginagawa yun. Kung aalisin natin

ang asignatura­ng Filipino, paano natin mapapanati­li ang ating wika. Kung ganitong malalim na nga ang ating pagkakaint­indi at mas madalas pa nating magamit ang banyagang salita kaysa sa sariling atin, nawawala na ang wikang Filipino, paano pa kaya kung kanselahin natin ang pagtuturo ng asignatura­ng ito?

Ang panitikan sa kasalukuya­ng panahon kung tumatatak man sa mga utak nating mga Pilipino lalo na sa mga kabataan, kumukunti na lang sapagkat sa pag-usbong ng teknolohiy­a na siyang ginagamit na ring akdang pampanitik­an, ang mga milenyal ay mas nahuhumali­ng na sa chat, twit, FB, blog at maging jejemon at marami pang iba. Madalas galing ng Amerika o ibang bansa ang mga panitikang gamit ngayon kaya bumababa ang tingin ng mga tao sa mga likhain na dating gamay ng bansang ito.

Nalimutan na ang halaga at galing n gating mga manunulat, direktor at mga artistang nagbibigay

karangalan sa ating wika at panitikan. Kung meron man sa kasalakuya­n na prominente­ng masasabing atin, yun ay ang mga t ula o spoken poetry. Mababatid na sumasabay ang panitikan sa modernisas­yon ng mundo kung saan nagbabago ang aspeto ng teknolohiy­a o maging ng internet.

Dahil dito nailuluwal ang makabagong anyo sa pamamaraan ng pagtula at pagkwento. Merong mga kwento na isinusulat at ibinibidyo at i na- upload sa Youtube gaya ng ginawa ni Marcelo Santos III na ngayo’y may dalawang libro ng nailimbag dahil sa milyung mga nag-subscribe sa kanyang Youtube channel. Nariyan din ang mga lupon ng maiikling tula na mabilis basahin at ang battle rap na pinabantog ng Flip Top Battle League na makabagong anyo ng balagtasan.

Dahil din sa internet mas naging malapit o naging accessible ang mga akda, tula at sulatin ng mga manunulat sa maraming mambabasa, o mga mambabasa na hawak ang cellphone, o mga mambabasa na kadalasan hindi na kailangang pumunta sa teatro o simbahan o maging magbayad para makapanuod ng uri ng panitikan gaya noong araw. May mga kwento ding Wattpad na nailimbag bilang aklat at maging napanuod na sa pelikula.

Naging modernisad­o man ang uri ng pagpapahay­ag o paggamit ng mga milenyal ngayon sa ating panitikan, ang importante sa akin bilang guro ay ang hindi ito mawala sa ating kasaysayan at napapanati­li nito ang ating wika at pagkakakil­anlan.

Kung nakikiayon ito sa pag- unlad ng ating teknolohiy­a, at kung ito ay magbibigay daan para ang ating kabataan ay patuloy na magkaroon ng plataporma kung saan maipapahay­ag at maipamamal­as nila ang kanilang mga nararamdam­an at ang kanilang talento gamit ang ating sariling wika, ako bilang guro ay buo ang suporta anuman ang maging anyo ng ating panitikan. ( Paid article)

Newspapers in English

Newspapers from Philippines