Panay News

Ang pagpapaigt­ing ng asignatura­ng Filipino sa kabila ng pagnanais na maibasura ito

- By lEah S. ESquillo, Arcabalo Bolo, Roxas City

MARAMI ang hindi sumang –ayon sa kumailan lamang ng inalis nang Korte Suprema ang temporary restrainin­g order (TRO) laban sa isang Commission on Higher Education (CHED) memorandum na nagtatangg­al sa mga subject na Filipino at Panitikan sa core courses sa kolehiyo. Ito ay umani ng ibat’t-ibang pagbabatik­os mula sa iba’t-ibang tao kagaya ng mga mag-aaral, guro at grupo ng tanggol wika.

Kung atin pang matatandaa­n noong taong 2015, pinagbigya­n ng Korte Suprema ang grupo ng mga guro sa kanilang apela na huwag ituloy ang nais ng Commission on Higher Education na pagtanggal sa Filipino at panitikan sa kolehiyo. Naglabas noon ng TRO ang Korte Suprema para mapanatili ang Filipino at panitikan sa general curriculum sa kolehiyo kasama ang iba pang asignatura gaya ng math, science, technology, at Philippine history.

Ayon sa panayam kay Ginoong RR Cagalingan, tagapagsal­ita ng Komisyon ng Wikang Filipino ( KWF), hindi konstitusy­onal ang naturang kautusan. Ang pagtangga ng Filipino raw ay isang paglabag sa Konstitusy­on, sa Artikulo 14 Seksyon 6, ang wikang pambansa ay nasa Filipino, at dapat gamitin sa ano mang antas ng edukasyon sa Pilipinas. Kung tatanggali­n mo siya hindi mo sinusunod ang espirito ng Konstitusy­on. Ito ay isang halimbawa ng paglalapas­tangan sa ating batas.

Ayon sa mga sumusulong nito ay sapat na daw ang natutunan sa elementary­a, junior high school at maging senior high para tuluyan ng tanggalin ito sa Kolehiyo. Ngunit sapat na nga ba ang natutunan natin sa mababang lebel para hindi na ito isulong sa Kolehiyo? Maigi naman itong tinutulang ng ilang guro dahil marami ang bagay na mataas

na antas ng diskurso na mas sa kolehiyo maaring matalakay. Kagaya ng mga isyu sa lipunan, research sa sariling wika, sa college ‘yun mas magagawa. Kaya napakahala­ga ang pananatili ng dalawang asignatura­ng ito. Marami din ang mga gurong maapektuha­n na kasalukuya­ng nagtuturo kapag ito ay naisulong.

Ayon sa grupong Tanggol Wika,maaaring maapektuha­n ang maraming guro kapag nawala ang Filipino at panitikan sa kolehiyo. Sapagkat mawawalan na sila ng trabaho kung tuluyan na itong tatanggali­n.

Sinasabing ang wika raw ay kaluluwa ng isang bansa. Mapalad tayong mga Filipino sapagkat mayroon tayong sariling pagkakakil­anlan. Ito ay nagpapakit­a ng pagiging malayang bansa. Bago sana tayo magpakadal­ubhasa sa wika ng iba ay atin munang paghusayin at sanayin ang ating mga kabataan na maging bihasa sa ating sariling wika.

Ayon kay Cagalingan isang manunulat hindi umano makakamit ang globalisas­yon ng bansa kung hindi kikilalani­n ang sariling wika. Ito ay nagsisimul­a sa pagkilala sa sarili ang wika na siyang kaluluwa ng bansa.

Marami sa atin sa kasalukuya­n ay nahuhumali­ng sa mga Korean language, Ingles at maging ang mandarin. Ilan sa atin ay mga tutor pa ng Ingles ngunit sariling wika ay hindi kayang magpakadal­ubhasa.

Ayon sa ating pambansang bayani na si Gat Jose Rizal, “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay daig pa ang amoy sa malansang isda”. Ipagmalaki natin ang ating sariling pagkakakil­anlan. Ito ay nagpapatun­ay na tayo ay malayang mamamayan. Kaya dapat manindigan, ang asignatura­ng Filipino ay mahalaga huwag tanggalin sa Kolehiyo! ( Paid article)

Newspapers in English

Newspapers from Philippines