Panay News

Kasalukuya­ng pamumuhay ng mga Pilipino ngayong panahon ng pandemya

Efulg

-  By Jesma rk Lezo Aklan (Contribute­d article)

SA BUHAY ng isang tao, mayroon talagang mga pagkakatao­n na tayo ay lubhang mawawalan ng gana sa mga bagay-bagay. Isang halimbawa ng mga pagkakatao­ng ito ay ang mga pangyayari sa kasalukuya­n.

Dahil sa pagkalat ng sakit na coronaviru­s, napilitan ang bawat bansa na magdeklara ng ‘lockdown’ o pangkalaha­tang di paglabas sa ating mga tahanan. Ang pagdedekla­ra nito ay lubhang nakatulong upang di lumaganap ng tuluyan ang nasabing sakit.

Ngunit, naagapan man ang paglaganap ng Covid-19, di pa rin maiaalis na ang pandemyang ito ay nagdulot ng pagkawala ng mga kabuhayan ng maraming mamamayang Filipino.

Marami sa atin ang nawalan ng trabaho dahil na rin sa kinakailan­gang magsara ng mga kompanya at iba naman sa atin ay nalugi ang mga negosyo dahil sa walang kakayahang magbukas ng ito dahil na rin sa walang tatangkili­k na mamimili.

Malungkot ang kasalukuya­ng pamumuhay ng mga Pilipino. Ito ay ang katotohona­n sa mga pangyayari sa ating bansa. Mahirap maghanap ng trabaho ngayong pandemya na nagiging resulta sa lubos na paglubong sa utang ng ilang Pilipino.

Dahil na rin sa kawalan ng hanap- buhay, napipilita­n ang iba sa ating mag ‘double job’ upang lubos na matustusan ang pangangail­angan ng kanilang sarili at kanilang mga pamilya.

At higit sa lahat, masaklap ang pamumuhay ngayong nating lahat sapagkat hindi natin alam kung kailan tayo maaring tamaan ng nasabing sakit.

Dahil dito, konting ubo at sipon lamang ay lubha na tayong nag-aalala na minsan ay siya pang nagdudulot ng mas malubhang sakit.

Kaya naman, dapat pangalagaa­n natin ang ating mga sarili upang ng sa ganun ay hindi tayo madaling tamaan ng sakit. Ang pag-iwas sa sakit ay maaring gawin sa pagligo araw-araw, pagsuot ng face mask, at pagsunod sa mga patakaraan.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines