Lest we forget, Part 6
SA NGAYON, leading sa survey ang anak ng diktador. Noong 1986, hindi kami nagpadala sa surveys. Ipinaglaban namin si Cory. Against all odds.
Alam ko naman na marami ang bobo na nakikisabay lang: Pinipili ang sinungaling mula sa pamilya ng magnanakaw dahil iyon ang “feeling” nila na mananalo. Wala silang sariling opinyon—mga bobo nga kasi.
Basta doon lang sila sa kandidatong popular.
Pero hindi ito contest ng kung sino ang leading at “feeling mo na mananalo.” Hindi ito laro. Ito ay laban ng Good versus Evil. Ito ay halalan para sa ating kinabukasan. And it’s like 1986 again.
* Nawawalan na ako ng tiwala sa Filipino voters.
Pero hindi po ako maggi- give up. Lalaban po ako hanggang sa makayanan ng Courage ko to change the things that I can.
Hindi po ako katulad ng ibang Gen
X-ers na walang pakialam dahil “parepareho lang naman silang mga politico.”
Iyan po ang linya ng mga walang pagmamahal at pag- aalala sa kinabukasan ng ating mga kabataan.
And so, I ask the youth, kahit hindi pa botante, not to give up.
Magkampanya po kayo para sa matino at nararapat na mga kandidato.
* Ikampanya n’yo po at ipaglaban ang Pag-asa. Ang Kinabukasan. Ang Oportunidad ninyong lumago, umunlad, at umahon sa hirap na hindi kailangang kumapit sa patalim at magpakapokpok.
Hindi po pera at yaman o materyal na kaginhawaan ang malaking usapan sa Halalan 2022.
Kundi ang leveling of the playing f i e l d . ‘ Yong makapagsimulang muli tayong lahat na walang bahid ng diktaturya, corruption, at pagkagahaman sa kapangyarihan.
* Noong 1986, seventeen years old lang ako. Not a voter.
Pero masigasig kong ikinampanya si Cory Aquino sa bayan namin.
Ang tatay ko, longtime Marcos supporter; pero iniyakan ko siya.
MY LIFE AS ART/11