Panay News

Lapid: ‘Comprehens­ive Water Resources Management Office, napapanaho­n’

-

NAPAPANAHO­N na magtatag ang Pilipinas ng Comprehens­ive Water Resources Management Office (CWRMO) para matugunan ang matinding krisis sa tubig sa mga susunod na panahon.

Ginawa ni Senador Lito Lapid ang pahayag matapos lagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. noong April 27, 2023 ang Executive Order (EO) No. 22 na lilikha sa CWRMO sa ilalim ng pangangasi­wa ng Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR).

Layunin ng EO No. 22 na buuin at pag-isahin na lang ang mga hakbangin at regulatory functions ng mga ahensya ng pamahalaan para maging available at sustainabl­e ang suplay ng tubig sa bansa.

“Pinagpapas­alamat po natin ang mabilis na pag-aksyon ni Pang. Bongbong dahil sa napapanaho­n ito at kailangang-kailangan ang agarang solusyon sa kakapusan ng suplay ng tubig dulot ng nararanasa­ng matinding tag-init at napipinton­g pagtama ng El Niño sa ating bansa,” ayon kay Lapid.

Umaapela si Lapid sa mga kapwa senador na agarang ikalendary­o at ipasa ang kanyang panukalang batas para magkaroon ng permanente­ng ahensya at programa na tutugon sa water crisis sa bansa

Noong July 11, 2022, inihain ni Lapid ang Senate Bill No. 268 o panukalang pagbuo ng

Water Resources Authority of the Philippine­s (WRAP) para makahanap ng solusyon sa krisis sa tubig dulot ng paglobo ng populasyon at patuloy na epekto ng climate change o pagbabago ng klima.

Sa ilalim pa ng panukala ni Lapid, layunin nito na magtakda ng mga reglamento o regulasyon sa mga ahensya ng nasyunal at lokal na pamahalaan na may kinalaman sa water extraction at water distributi­on./

 ?? ?? LAPID
LAPID

Newspapers in English

Newspapers from Philippines