Philippine Daily Inquirer

‘Make a difference … make change’

- By Jovic Yee Metro Reporter

TANDANG-TANDA ko, Ma’am LJM, nung gabi ng Feb. 20 nang tumawag si sir Volt (Contreras) para sabihin na meron kayong gustong ipa- cover sa Taytay, Rizal, tungkol sa arrears ng retired soldiers at pensioners. Kahit na may pagaalinla­ngan ako tinanggap ko ’yung assignment.

Kinabukasa­n, habang papunta na kami ng Taytay at binabasa ko ’yung documents na pinadala sa inyo, nakita ko ’yung note written in your distinct handwritin­g na kung tama ang pagkakaala­la ko ay, “For Metro.”

At that moment, ’yung pag-aalinlanga­n ko ay naging takot—takot na baka ’di ko magawa nang maayos ’yung story, na ’di ko ma- deliver what you expected. Hinugot ko na lang ’yung lakas ng loob sa mga sundalong tuwang-tuwa at nagpapasal­amat na binigyang-pansin sila ng INQUIRER.

Three months later, pinanigan sila ng COA. Nung kinuha ko ’yung file sa office, may pink sticky note kayo (na hinahanap ko pa rin hanggang ngayon kung saan ko naitago), this time with my name on it and telling me na ito ’yung fruit of our labor.

Bilang isang bagitong journalist, ’di niyo lang alam ma’am kung gaano niyo ako napasaya nung araw na ’yun. Naulit pa ’yung saya na ’yun nung kinausap niyo ako tungkol sa Marcos jewels.

Limited man ’yung naging interactio­n natin, masaya ako na kahit papaano ay nagkaroon ako ng pribilehiy­ong makausap at makadaupan­g palad kayo.

Lagi kong tatandaan ’yung sinabi niyo sa interview niyo with Ate Tarra (Quismundo): “It’s a privilege for me to be in a job like this. You can make a difference...”

Maraming salamat ma’am. Sana ’di namin kayo mabigo.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines