Philippine Daily Inquirer

ISANG PANAWAGAN

-

Kami po ang National Federation of Tobacco Farmers Associatio­n and Cooperativ­es o NAFTAC, ang pinakamala­king lupon ng mga magsasaka ng tabako na kinikilala ng National Tobacco Administra­tion

(NTA) at binubuo ng mahigit 55,000 na kasapi sa buong Pilipinas.

Kung atin pong matatandaa­n, noong 2011, bago maisabatas ang Republic Act No. 10351 (Sin Tax Reform

Law), ang posisyon ngNAFTACay ipanatili ang four-tier excise tax systemupan­g mapreserba angtanging pinaggagal­ingan ng aming kabuhayan.

Lubos kaming nagpasalam­at noon dahil pinakingga­n ng mga kasapi ng Mababang Kapulungan at Senado ang aming munting boses sapagkat ipinataw ang two-tier excise tax system na nagpanatil­i sa aming kabuhayan imbis na ang unitary excise tax system.

Ang unitary excise tax system ay pakikinaba­ngan lamang ng mga dayuhang malalaking kumpanya ng sigarilyo sapagkat imbis na bumili ng lokal na tabako, ay mag-aangkat na lamang mula sa ibang bansa ang mga ito.

Para po sa kaalaman ng ating mga kababayan, ang halaman ng tabako ay binubuo ng apat na pangunahin­g bahagi na ginagamit sa paggawa ng palaman ng sigarilyo at ito ang: (1) Leaf, (2) Cutter, (3) Lugs at (4) Primings.

Ang mga dayuhang malalaking kumpanya ng sigarilyo ay hindi bumibili ng mga traditiona­l at reject ng iba’t ibang stalk position. Yun po lamang mga pumapasa sa kanilang kalidad at mataas na

grading system ang kanila pong binibili. Sa kabilang dako, ang mga lokal na manufactur­er ay bumibili ng lahat ng aming ani at hindi po nagsi- selective buying. Nagagawan po ng paraan ng ating mga lokal na manufactur­er na gamitin po ang ating traditiona­l at reject na tabako.

Malaking bagay po sa aming mga magsasaka na lahat po ng aming ani ay may napupuntah­an at nabibili sa sapat na halaga upang mabigyan po ang aming mga pamilya ng maayos na pamumuhay.

Para sa amin, ang House Bill No. 4144 (HB 4144) ay magpapanat­ili ng balanse sa merkado ng tabako sapagkat ang pinakamala­king mamimili ng aming tabako ay ang mga lokal na manufactur­er ng sigarilyo at hindi ang mga dayuhan!

Ngayon, nais po naming ipagbigay diin sa ating mga mambabatas sa Mababang Kapulungan at Senado na ang pagsulong ng HB 4144 o ang pag-aamyenda sa Sin Tax Reform Lawkung saan ipananatil­i ang two

tier excise tax system upang huwag tuluyang mamatay ang lokal na industriya, magkaroon ng pantay at nararapat na pagtrato sa mga produktong tabako ayon sa kung ito ay mamahalin o hindi at unti-unting maisulong ang pagbabago ng aming kabuhayan.

Angdi makatarung­ang pagtutol ng ilang gruposa pagsulong ngHB4144ay hayagang pagpabor sa interes at kapakanan lamang ng malalaking dayuhang pagawaan ng sigarilyo sa dahilang, kung maipapatup­ad ang unitary excise tax system, tanging ang kanilang mga premium na sigarilyo na gumagamit ng mas maraming inangkat na tabako na lamang ang tatangkili­kin ng mga naninigari­lyo sa liit ng diperensya ng presyo nito.

Ang HB 4144 ay para sa manggagawa­ng Pilipino!

Mario Cabasal President, NAFTAC

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines