Pilipino Star Ngayon : 2019-06-12

9 : 9 : 9

9

NGAYON 9 PROBINSYA HUNYO 12, 2019 ELENITA F. GAMOTEA • Editor 10 sasakyan inararo ng trak: 9 patay Siyam katao ang nasawi kabilang ang 2-anyos na paslit makaraang araruhin ng isang trailer truck ang mga sasakyan sanhi ng karambola sa highway sa Guadalupe Km 5, Matina Pangi, Davao City, kahapon ng umaga. Ayon kay Police Regional Office (PRO) 11 Spokesman P/Major Jason Baria, pasado alas-9:30 ng umaga lungsod nang mawalan ng preno ang behikulo malapit sa Phoeonix Gas Station na nagresulta sa karambola ng mga sasakyan sa nasabing lugar. Dahil sa insidente, 9 katao ang nasawi na kinabibila­ngan ng anim na lalaki, dalawang babae at isang 2-anyos na batang lalaki habang dalawa ang kritikal sa Southern Philippine­s Medical Center. Patuloy pang inaalam ang pagkakakil­anlan ng mga biktima. Ayon kay Baria, walo sa mga biktima ang dead-onthespot habang dalawa ang nasawi sa pagamutan. Nina JOY CANTOS at RHODERICK BEÑEZ nang magkarambo­la ang 9 na behikulo sa junction ng Matina Pangi Road at CP Garcia Highway sa nasabing lungsod. Ayon kay Baria, kabilang sa mga nagkarambo­la ay ang isang trailer truck wing van (LXB302); Toyota High Ace Van ( BCN661); KIA Sportage (KEP 343); Honda CRV (LGE978); Mitsubishi L300 (AAG 4913); TMX with Sidecar ( 5013LV); Avanza (ZSE 506); Susuki AVP (PPI830), isang multicab (JFG233) at dalawa pang sasakyan. Sa imbestigas­yon, nawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver ng trailer truck na kinilalang si Joel Sinampay Aras, 36-anyos ng Cagayan de Oro City matapos masiraan ng preno habang bumabagtas sa kahabaan ng CP Garcia highway. Galing ang trailer truck sa Sasa at patungong Calinan ng Magic hand ng NAIA-OTS PUMALAG ang isang Hong Kong national passenger at mga kasamahan nito sa NAIA T2, nang dumaan sila sa final security check sa pre-departure area dahil tinira diumano ng isang OTS security screener ang salapi ng una sa loob ng handcarrie­d baggage na dala nito? Kumalat ang balita nang lumabas ito sa ‘social media’ yesterday? Naku ha! Totoo kaya ito? Dahil pumutok ang istorya sa airport tungkol sa ‘magic hand’ umano ng OTS screener, naging usap-usapan ito sa apat na sulok ng NAIA T2. Kaya naman binubusisi ito ng mga authoritie­s dito kung totoo ang kumalat na balita na tinira ang pitsa ng pasahero? Hindi na natin ilalagay ang pangalan ng biktima at ng suspect hanggang wala pang linaw o resulta ang imbestigas­yong ginagawa. Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, matapos ilabas ang mga kagamitan ng pasahero sa loob ng kanyang handcarrie­d bag humingi pa raw ng HKD2,000 ang OTS screener sa may-ari ng bag? Pumalag ang pasaherong hinihingia­n, pero nag-abot din ito ng HKD1,000 para makaalis na siya rito. Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, naikuento ng biktima ang ginawa ng screener sa kasama niyang mga kaibigan kaya ang isa sa mga ito ay bumalik para komprontah­in ang screener kung bakit niya hinihingia­n ng salapi ang kanyang kasama. Sabi sa kuento, sa takot ng culprit nang komprontah­in siya ng kaibigan ng biktima at sabihan na irereklamo ito, mabilis niyang isinaoli ang HKD4,000? Bakit HKD4,000? Eh, HKD1,000 lamang ang iniabot sa kamote. ‘Yun pala HKD4,000 ang nakuha nito nang ipasok ng suspect ang dalawang kamay niya sa bag at makapa ang wallet? Sabi nga, ‘magic hand’ mabilis ang pangyayari. Hehehe! Naku ha! Ano ba ito? Abangan. Mag-asawang senior inutas ng 4 na kawatan MEYCAUAYAN CITY, Bulacan at naaresto ng mga awtoridad ang apat na suspek sa pagpatay sa mag- asawa makaraang positibong itinuro ng isang saksi. Kinilala ang mga suspek na sina Antonio delos Santos, 39, may asawa, walang trabaho; Russel Lamsen, 19, binata at dalawang 16-anyos na pawang taga Little Baguio St. ng nasabing barangay. Lumalabas na pagnanakaw ang motibo ng nasabing pagpaslang dahil nabawi pa ng mga pulis sa mga suspek ang sling bag ng mga biktima na halos kumpleto pa ang laman. Ayon sa anak ng mga biktima, ugali na ng kanilang magulang na sa tuwing alas-2:30 ng madaling araw ay namimili ang mga ito sa palengke at maaari umanong napag-aralan ng mga suspek ang routine ng dalawang matanda. Kapwa duguan at patay na nang matagpuan ang mag-asawang matanda na sina Felix at Estelita Bernabe matapos na pagpapalui­n ng matigas na bagay ng mga suspek na sina (inset) Russel Lamsen at Antonio delos Santos kasama ang dalawa pang 16-anyos matapos umano nilang pagnakawan habang nasa bangketa sa Little Baguio St., Brgy. Malhacan, Meycauayan City, Bulacan kahapon ng madaling-araw. (Kuha ni Omar Padilla) – Karumal-dumal ang sinapt ng mag-asawang senior citizen matapos na patayin sa pamamagita­n ng pagpalo ng matigas na bagay sa kanilang ulo ng apat na hinihinala­ng kawatan sa bangketa ng Little Baguio St. sa Brgy. Malhacan, dito sa siyudad, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni P/Lt. Col. Aquino Olivar, acting chief ng Meycauayan Police ang mga biktima na sina Felix Bernabe, 76-anyos, at misis na si Estelita, 75; kapwa ng 129 Little Baguio St., nasabing barangay. Sa imbestigas­yon, dakong alas-3:00 ng madaling araw nang matagpuan ng kapitbahay ang bangkay ng mag- asawa na naliligo sa sarili nilang dugo at nakahandus­ay sa gilid ng bangketa. Agad namang natukoy Engkuwentr­o sa plantasyon: 3 bulagta Kali ay hindi pa natutukoy. Sugatan naman sa insidente ang isang Tanto Abdul, isang civilian security volunteer na dinala sa Isulan Provincial Hospital sa Isulan, Sultan Kudarat. Personal na alitan sa pamilya dahil sa pinag-aagawang lupang sakahan ang umano’y dahilan ng bakbakan na tumagal ng mahigit isang oras kaya daan-daang sibilyan ang lumikas patungo sa mas ligtas na lugar. Humupa lamang ang engkwentro nang dumating ang mga pulis at sundalo habang patuloy ang mapayapang negosasyon ng mga lokal opisyal para resolbahin ang gulo ng dalawang grupo. Nasawi ang tatlo katao makaraang sumiklab ang labanan sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at mga armadong sekyu ng isang plantasyon ng saging sa Brgy. Tukanalugo­ng, Datu Abdullah Sangki, Maguindana­o kamakalawa. Sinabi ni Maguindana­o Police Director, P/Col. Ronald Briones na nagkasagup­a ang grupo nina Kumander Tommy at Adrex Cali sa plantasyon ng saging sa Barangay Tukanalugo­ng alas-2:30 ng hapon. Ang mga nasawi sa panig ng MILF ay kinilalang sina Datu Ila Mohammad at Toy Taha, habang sa panig ng mga guwardya ng plantasyon na pinamumunu­an ni alias Mister pinatay habang nanonood ng TV LEGAZPI CITY, Albay - Bulagta ang isang 33-anyos na mister makaraang pagbabaril­in ng hindi nakilalang gunman sa harapan ng bahay ng lolo ng kanyang asawa sa Brgy. Progreso, San Fernando, Masbate kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad nasawi ang biktimang si Arnel Espenilla, isang magsasaka ng Brgy. Buenos Aires. Sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi, dumalaw si Espenilla at nakipanood ng telebisyon sa lolo ng kanyang asawa na si Telesforo Cantre. Pero habang abala sa panonood ay may tumawag sa biktima sa labas ng bahay kaya siya lumabas upang tingnan ito. Gayunman, dalawang minuto lang ang lumipas ay sunod-sunod na putok ang narinig at nang tingnan ni Cantre ay nakitang nakabulagt­a na ang biktima sa harapan ng kanilang gate. Hindi pa malaman kung ano ang motibo sa pamamaslan­g. (Omar Padilla, Joy Cantos) Lider ng Bonnet Gang, 1 pa dedo sa shootout Trial Court Branch 153 sa Biñan City kaugnay ng kasong murder at paglabag sa RA 9165 o Anti Dangerous Drugs Act laban sa mga suspek sa Brgy. Nanhay nang kumasa ang dalawa kung kaya nauwi sa shootout sanhi upang sila ay mapaslang. Sa intelligen­ce report, ang grupo ni Teñido ay responsabl­e umano sa paglikida ng mga pulis at pulitiko sa Laguna. Nasa top 10 din siya sa mga high value target (HVT) sa Laguna sa pagtutulak ng droga at nasa drug watchlist ni Pangulong Rodrigo Duterte. Nakumpiska sa operasyon ang isang unit ng submachine gun na kargado ng bala, isang cal. 45 pistol na may magazine. Napaslang ang itinuturon­g lider ng Bonnet Gang na sangkot sa gun running at drug pushing at isa pa nitong tauhan makaraang manlaban sa mga operatiba ng pulisya na nauwi sa shootout ang pagsisilbi ng warrant of arrest sa Brgy, Nanhay, Victoria, Laguna nitong Martes ng umaga. Sa ulat ni Laguna Provincial Police Office (PPO) Director Police Colonel Eleazar Matta ang mga nasawing lider ng Bonnet Gang na si Christophe­r Teñido alyas Bulok at tauhan nitong si Ruperto Pabalan na aktibong kasapi ng grupo. Bandang alas-10:40 ng umaga habang isinisilbi ng mga operatiba ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Efren Santos, ng Regional (Rhoderick Beñez) 2 kelot itinumba sa Rizal Sta. Ana, Taytay. Ayon sa mga residente, nasa kahimbinga­n sila ng tulog nang magulantan­g sa sunod- sunod na putok ng mga baril. Nang kanilang tingnan ito, bumulaga sa kanila ang bangkay ng mga biktima na may mga tama ng bala sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan. Lumitaw sa pagsisiyas­at na mga dayo lamang sa lugar ang mga biktima dahil hindi sila kilala ng mga residente rito. Hinihinala ring may kinalaman sa ilegal na droga ang krimen ngunit iniimbesti­gahan pa ito ng mga awtoridad. Patay ang dalawang lalaki matapos na pagbabaril­in ng mga ‘di kilalang salarin sa Taytay, Rizal kahapon ng madaling araw. Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakil­anlan ng mga biktima na ang isa ay inilarawan lamang na katamtaman ang laki ng pangangata­wan, nakasuot ng gray tshirt, at brown short, habang ang isa ay medium built ang katawan at nakasuot ng asul na sweat shirt at gray short pant. Sa ulat, dakong alas2: 25 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa Block 1 Canada Street, Pag- Asa Floodway, Brgy. (Jorge Hallare) Rider at angkas tigok sa kuryente TUGUEGARAO CITY, Cagayan - Dalawang hindi pa nakikilala­ng lalaki na magkaangka­s sa motorsiklo ang nasawi matapos mangisay sa kawad ng kuryenteng pumulupot sa gulong ng kanilang sasakyan habang tumatakbo sa kalsada ng Brgy. Patul, Santiago City kamakalawa. Sa report kay Police Lt. Colonel Melchor Ariola, tagapagsal­ita ng City Police Command; pawang nasa daan ang napatid na bahagi ng kable na nasagasaan ng mga biktima at pumulupot sa gulong ng kanilang motorsiklo dakong alas10:00 ng gabi. Ayon kay Ariola, agad nasawi ang dalawa matapos sabay na mangisay sa kalsada. Pinaniniwa­laang mag-iinuman sana ang dalawa dahil sa may dala pa silang isang boteng alak at pulutan nang maganap ang insidente. (Mer Layson) (Raymund Catindig) (Joy Cantos) Pr inted and dist r ibuted by NewspaperD­i rect Copyright © 2010, South China Morning Post Publishers Limited • O R I G I N A L C O P Y • O R I G I N A L C O P Y • O R I G I N A L C O P Y • O R I G I N A L C O P Y • O R I G I N A L C O P Y • O R I G I N A L C O P Y • O R I G I N A L C O P Y • O R I G I N A L C O P Y • O R I G I N A L C O P Y • O R I G I N A L C O P Y • C O P Y R I G H T A N D P R O T E C T E D B Y A P P L I C A B L E L A W

© PressReader. All rights reserved.