Sun.Star Baguio

My mother’s birthday

-

MAHAL ng Nanay ko si Imleda. Di ko gaano nakasama ang nanay ko pero alam ko gustong gusto niya si Imelda.

Akala ko nung bata ako, magkaibiga­n nga sila kasi kung mag kwento si mama, parang kasama lang niya kanina na nag kape ang Madame na nakikita ko lang sa TV.

Maganda ang nanay ko noon, bata pa kasi nung nag asawa at sa isip ko magkasing ganda sila ng asawa ni Macoy.

Pareho silang maluho, ang nanay ko madami reng sapatos, naalala ko nga, minsan sinuot ko ang high heels niya kaya nahulog ako sa hagdan ng mallit na apartment namin sa project 8.

Hanggang ngayon, may maliit akong sugat sa noo dahil doon, kapag nakikita ko ang poknat, naalala ko ang mga sapatos ni mama.

Minsan nagalit ang nanay ko sakin kasi ginupit ko ang buhok ko, inalis ko ang aking widows peak, nagalit siya kasi sabi niya maswerte daw yun, parang kay Madame.

Nung tumada na ako, nalaman ko na maaga ka daw mabiyuda kapag meron ka nun, mabuti na lang ginupit ko.

Pero kapag nagsusulka­y ako, naguilty ako kasi, giniupit ko yung kinatutuwa­an ni mama sa akin, kaya siguro din a niya ako sinusukkla­yan noon, sabi ko sa sarili ko.

Nung 1986, sa Makati kami nakatira, naalala ko masisilip mo ang kahabaan ng EDSA sa bakuran namin, paglabas mo ren ng subdivisio­n andun ka na.

Nakita ko ang mga tanke na dumadaan nung rebulusyon habang naglalaro sa loob ng bahay, ang nanay ko, nag pumilit lumabas para maki rally.

Pero wala siya sa EDSA, wala ren siyang hawak na rosaryo, dir ren siya nagdadasal tulad ng iba, ilang araw din siyang di umuwi noon.

Pag dating niya sabi ni mama galing siya sa Malacanang, sinamahan daw niya sila Madame, akala ko talaga close sila noon.

Yun pala, andun siya sa labas kasama ng mga loyalista, nag babantay kay Malakas at Maganda, sinisilip kung paano na ang lagay ng dalawa.

Sabi ni mama, kawawa daw ang mag asawa, kaya mag mula noon, naawa na din ako sa kanila.

Pagkatapos ng ilang taon, umalis na kami sa Makati, matagal ko di nakita ang EDSA pero napag aralan ko na sa eskwelahan ang lahat.

Kahit anong turo ng titser ko at kahit ilang artikulo na ng human rights ang nabasa ko, naawa pa ren ako kay Malakas at Maganda, sabi ko, hanep talaga ang nanay ko, sinira pati ang takbo ng utak ko, pinalabo na niya ang kasaysayan sa puso ko.

Matagal ko na di nakikita si Mama, sabi nila nasa Pandacan daw, pero ayaw ko pumunta doon.

Kapag nakikita ko ngayon sa TV si madame, tsaka ko lang naalala si mama, iniisip ko kung bakit niya mahal na mahal ang babaeng ito na sa tantsa ko eh ni hindi niya nakilala.

Ngayong tumanda na ako, may parte pa ren sa puso ko na na aawa sa pamilya ni Madame, kahit ano pa ang mangyari malamang di na magbabago yun.

Napapa ngiti na lang ako at naiisip na minsan sa isang panahon alam ko na may may minahal nang tunay ang nanay ko kahit pa si Imelda yun. the distance hiking several meters to the jeepney line. It was becoming too cold so I ask my daughter to hike with me towards the jeepney line. Under my given physical condition, she coached me, describing the conditions of the ground we are walking on, the bends and stairs, the lines of passengers, and on to the jeep.

When we reached the gate of our rented house, she asked: “Pa are you O.K,?” I said, “Yes, for you.” She embraced me tight, and I know my life is not my own alone and that I am not in total control of myself, the times have changed. There and then, a flood of feeling swept over me. I found myself missing several boys growing up and good men I found in the workplaces that accommodat­ed me through the years in various places. They sure were fun to be with, not the manipulati­ve and insecure types, or among their peers crave recognitio­n, prominence and greater status.

It seems to me, that what I meant to say or voice out all along is whether men were really in control of human affairs and women have finally taken over. I seem to know why women can dominate their male counterpar­ts in most aspects of life, if they will with patience and a more caring and gentler outlook on life, in spite of their insecuriti­es too just like men are.

We men what can we be most proud of and dominant but our brawn(s) and.... What you add there makes you a man that men and women could respect, the way great men have always been leaders of the home and society as well.

Pr i n te d a n d d i s t r i b u te d by P ressReader

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines