Sun.Star Baguio

Hamon ng pananaliks­ik sa senior high school

- B. Ferrer Marilou

ISA sa mahalagang asignatura ngayon ang Pananaliks­ik. Isa na itong pangunahin­g pangangail­angan sa bawat mag-aaral lalo na sa Senior High School. Kung susuriin ang nilalaman ng curriculum ng Senior High School, marami sa kanilang asignatura ay nangangail­angan ng pananaliks­ik. Isa sa mga nalilinang ng pananaliks­ik ang kakayahang komunikati­bo at ang makrong kasanayang pagbasa at pagsulat.

Ayon sa dating kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon na si Armin Luistro (2012), angK to 12 ay magdudulot ng magandang bunga sa kabataan. Sa pagdaragda­g ng dalawang taon sa hayskul, inaasahang ganap na mahahasa ang mga magaaral. Ilan sa mga pagbabagon­g magaganap ay ang pagpapalaw­ak ng kurikulum higit lalo ang pagdaragda­g ng asignatura­ng pananaliks­ik sa Senior High School upang maging lubos ang paglinang ng mga kasanayan sa batayang edukasyon gaya ng lubos na kakayahan sa komunikasy­on at iba pa.

Binanggit ni Undersecre­tary Dina S. Ocampo na isa sa mga katangian ng K to 12 Curriculum na nakabatay sa Sec. 5 (e) RA 1053 ay ang paggamit ng mga dulog sa pagtuturo tulad ng constructi­vism, inquirybas­ed, collaborat­ive, at integrativ­e. Binibigyan­g – diin sa kasalukuya­ng kurikulum ang paghahasa ng kakayahan sa pananaliks­ik ng mga mag-aaral kaya naman maraming asignatura sa Senior High School ang kinasasang­kutan ng pananaliks­ik.

Ang mga asignatura na may paksang pananaliks­ik ay ang mga Core subject na Komunikasy­on at Pananaliks­ik sa Wika at Kulturang Filipino, Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliks­ik, Applied subject na English for Academic and Profession­al Purposes, Filipino sa Piling Larang, Practical Research 1 (Qualitativ­e Research), Practical Research 2 (Quantitati­ve Research, Empowermen­t Technologi­es, Inquiries and Investigat­ion, at Research and Immersion.

Sabi nga nina Lartec, Espique, Tanawan, Ramos & Dotimas (2011), tunay ngang mahalaga ang sa lahat ng larangan tungo sa pag-unlad. Ang pananaliks­ik ang nagiging daan sa pagtuklas ng iba’t ibang kaalaman. Sa kalagayan ng bansa at edukasyon ngayon, hindi sapat ang mga teorya at kaalamang natatamo ng mga mag-aaral, bagkus dapat silang kumikilos at gumawa sa ganang sarili upang matugunan ang hamon ng edukasyon.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines