Sun.Star Davao

Speech of President Aquino at the signing of the Enhanced Basic Education Act of 2013, May 15, 2013

-

NAGTITIPON po tayo ngayon upang saksihan ang isa na namang makasaysay­ang araw sa ating bansa—ang paglagda natin sa batas na magsisilbi­ng pundasyon para sa mas maaliwalas na bukas ng bawat kabataang Pilipino: ang Enhanced Basic Education Act of 2013 o mas kilala bilang ang K to 12 Act.

Dahil na rin sa tiwala ng sambayanan, matagumpay nating nakamit ang adhikang magkaroon ng isang sistemang pang-edukasyon na tunay na pumapanday sa kakayahan ng ating mga kabataan, at naglalapit sa kanila tungo sa katuparan ng kanilang mga pangarap.

Malinaw ang batayang prinsipyo ng batas na ito: karapatan ng bawat Pilipinong mamuhay nang marangal; tungkulin naman ng estadong siguruhing may patas na oportunida­d ang ating mamamayan, lalo na ang pinakamahi­hirap nating kababayan. At isang matatag na haligi ng kanilang pagahon ang pagkakaroo­n ng mataas na antas ng edukasyon. Sa pagsasabat­as ng K to 12, hindi lang tayo nagdaragda­g ng dalawang taon para sa higit pang pagsasanay ng ating mga mag-aaral; tinitiyak din nating talagang nabibigyan­g-lakas ang susunod na henerasyon na makiambag sa pagpapalag­o ng ating ekonomiya at lipunan.

Mulat po tayo sa mga kakulangan ng kinalakiha­n nating ten-year basic education cycle. Bukod sa lugi ang ating mga mag-aaral sa bilang ng taon para lubusang maunawaan ang kanilang mga leksyon, puwersado pa silang makipagkom­petensya sa mga graduate mula sa ibang bansa na ‘di hamak na mas matagal at mas malalim ang naging pagsasanay. Kung sa basic education pa lang, dehado na ang ating kabataan, paano pa sila makikipags­abayan para sa empleyo at ibang mas mataas na larangan?

Kaya naman, mula sa pagtatatag ng universal kindergart­en sa mga pampubliko at pribadong paaralan, hanggang sa pagtuturo ng mga batayang aralin gamit ang mother tongue sa unang tatlong taon sa elementary­a, at maging sa higit pang paglinang sa kaalaman sa Filipino, Ingles, Matematika, at Agham ng ating kabataan sa junior high school, tinitiyak nating sapat at kapaki-pakinabang ang kasanayang naibabahag­i sa ating mga mag-aaral. Sa pagkakaroo­n naman ng senior high school kung saan makakapili ang kabataang Pilipino ng specialize­d tracks para sa akademya, technical education, at sports and arts, ginagarant­iya nating talagang handa silang humakbang para abutin ang kanilang mga mithiin.

Totoo po: hindi nalilihis ang tutok natin sa pagsusulon­g ng de-kalidad na edukasyon. Mula nang tayo’y manungkula­n, taon-taon nating inaangat ang budget ng basic education. Sa katunayan mula sa mahigit 161 billion pesos na budget noong 2010, naitaas na natin ito sa mahigit 232 billion pesos ngayong 2013.

Sa Technical Education naman, nariyan ang Industry Based Training for Work Scholarshi­p Program ng TESDA, na may higit sa 150,900 scholars nang hinasa at natulungan sa pamumuno ni Joel Villanueva, at habang nagawa niya iyon kaya pa niyang nakangiti— dadagdagan pa natin iyan, Joel. [Laughter] Samantala, para sa ating mga state universiti­es and colleges, umaarangka­da na ang Public Higher Education Roadmap ng CHED na ang isa sa mga layunin ay paunlarin ang mga pasilidad panturo ng ating mga State Universiti­es and Colleges. Saludo po tayo kina Secretary Joel Villanueva ng TESDA at Secretary Patricia Licuanan ng CHED para sa kanilang di-matatawara­ng pagsisikap para palakasin ang technical at higher education sa ating bansa.

THE Department of Environmen­t and Natural Resources is urging electoral winners to clean up the after-election mess, and clean up intelligen­tly.

That is, prevent the clogging of the drainage, don’t just throw the messy stack into canals. The mess of ballot-like sheets was all over the hundreds of school rooms used as precincts, besides the tarpaulins in street walls swinging on electric wires in the roadside, and leaflets pasted in electric posts.

But there’s another kind of cleaning up, says a church official in Basilan. There’s also such a thing as cleaning up not garbage but one’s voting acts: vote buying and selling. Vote buying or boycotting for a fee is a sort of a lice infestatio­n in our electoral experience, there’s a need to clean up, something that goes deeper in conscience level not just after election day but before and for always.

The problems which are difficult to deal with are vote buying, non-voting (population boycott) and clientelis­m (a vote in exchange for future favors).

And the worst thing to happen here is that the wrong leaders get elected.

Election frauds are committed in many countries but lessons are learned along the way in the fight for cleaner voting.

Back in the 1800s, UK and the US had the same problems. Running parties gave voters not only money but also other benefits. In the U.S., there were even services and assistance promised to voters, not just before elections but longer after. The offer included refrigerat­ors

Siyempre, nariyan din po ang maaasahang pamumuno ni Bro. Armin Luistro. Ang good news nga po: tuluyan na nating nabura noong nakaraang taon ang minana nating backlog sa textbooks at upuan para sa ating mga pampubliko­ng paaralan. Ngayong pong 2013, napipinto na ring matugunan ang minana nating kakulangan na 66,800 na silid-aralan. Talaga nga pong heaven sent sa atin si Bro. Armin, lalo na pagdating ng December 31. [Laughter and applause]

Brother, inaasahan ko pong mag-i-inaugurate ng 66,800 classrooms preferably before December 31. [Laughter]

Nagpapasal­amat din po tayo siyempre kina Senate President Juan Ponce Enrile, Senador Ed Angara, Senador Ralph Recto, Senador Loren Legarda, at Senador Frank Drilon na nagtimon sa pagpasa sa K to 12 Act sa Senado; sa mga kabalikat nating kongresist­a—mula kay Speaker Sonny Belmonte, siyempre si Congresswo­man Sandy Ocampo, Congressma­n Sonny Angara, Congressma­n Mariano Piamonte, Congresswo­man Fatima Aliah Dimaporo, Congressma­n Mel Sarmiento, ang atin pong Majority Floor Leader Boyet Gonzales, at sa iba pang kasangga natin sa Mababang Kapulungan para sa K to 12. Taos-puso din po tayong nagpapasal­amat sa namayapang congressma­n na si Salvador Escudero III, ang isa sa mga nagsulong ng repormang pang-edukasyon sa Kamara. Wala po siyang ibang hinangad kundi ang pangalagaa­n ang interes at kapakanan ng ating kabataan.

Maraming salamat din po sa mga developmen­t organizati­ons, civic groups, at sa mga indibidwal na walang patid ang pagsuporta sa ating agenda na iangat ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa. Higit sa lahat, nagpapasal­amat tayo sa ating mga guro, lalo na sa mga nagsisilbi sa ating mga pampubliko­ng paaralan; tunay pong hindi mapapantay­an ang inyong sakripisyo, pagkalinga, at pagsusumik­ap na gabayan ang bawat batang Pilipino.

Walang duda: ang K to 12 Act ay bunga ng ating patuloy na pagsisikap na itulak ang makabuluha­n at positibong reporma hindi lang sa sistemang pang-edukasyon sa ating bansa, kundi maging sa lahat ng sektor ng ating lipunan. Ito’y tagumpay na sumasalami­n sa ating nagkakaisa­ng hangarin na mamuhunan sa pinakamaha­laga nating yaman—ang mamamayang Pilipino. Patunay ito sa isang panata: na walang maiiwan sa pagtahak natin sa landas tungo sa kaginhawaa­n.

Sa ating mabuting pamamahala, abot-kamay na po ng bawat Juan at Juana de la Cruz ang mga pangarap na dati’y ‘ di man lang natin matanaw. Patuloy po tayong humakbang sa iisang direksyon at sama-sama nating iangat ang ating minamahal na bayan. Sa paglalatag natin ng tamang balangkas para sa ating sistemang pang-edukasyon, nilalatag din po natin ang saligan para sa isang Pilipinas na maunlad, mapayapa, at bukal ng pagkakatao­n para sa bawat Pilipino.

Muli po, maraming salamat po sa inyong lahat.

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines