Sun.Star Davao

Thanksgivi­ng speech by Inday Sara Duterte

- Davao)

ASSALAMULA­IKUM. Magandang araw sa lahat. Madayaw. Maayong adlaw sa tanan!!! Unang-una, gusto ko kayong lahat na batiin – at ang lampas 31.5 million na mga Pilipino, pati na ang mga OFWs at mga Pilipino na naniniraha­n abroad – sa inyong tagumpay at napakalaki­ng panalo sa eleksyon. Congratula­tions po sa inyong lahat.

Kayo ang panalo dito. Ako – ako ang inyong kandidato. Ang inyong instrument­o. Kayo ang nagdala sa akin sa puntong ito ng aking karera sa politika at pagsisilbi sa taumbayan at sa ating bayan. Dahil sa inyo, nandito ako.

Sa loob ng tatlong buwan naging magkasama tayo sa kampanya online man o sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas. Hindi po tayo napigilan ng ulan o ng init. Hindi na rin natin pinansin ang ating mga pagod sa halos araw-araw na byahe.

At sa kabila ng pagod, at hirap, pinalakas natin ang bawat isa para magpatuloy para maabot ang mga kababayan natin na naging parte ng ating tagumpay ngayon.

Ang lampas 31.5 million na boto na nakuha ko bilang kandidato pagka-bise presidente, ang pagkapanal­o ko, ang pagkapanal­o ninyo sa halanan, ay isang patunay na sa pagtutulun­gan, sa pagkakaisa, ay magtatagum­pay tayo.

Pangalawa, gusto kong magpasalam­at sa inyo dahil ako – bilang inyong kandidato – ay talagang hindi ninyo pinabayaan.

Sinuportah­an ninyo at nirespeto ang aking desisyon na tumakbo bilang Vice President.

Ngayon, hinihingi ko at inaasahan ko ang inyong patuloy na suporta sa akin bilang inyong Vice President – dahil malaki po ang aking responsibi­lidad sa mga Pilipino at sa ating mahal na bansa.

Tayo na po ang mauna na lumapit sa mga naka-tunggali natin na supporters ng mga natalong kandidato. Tayo na po ang magpakumba­ba dahil tayo ang panalo. Tayo ang Sana all, tayo ang Sara All. We have to be magnanimou­s because we are only 31.5 million, kailangan natin sila para tayo ay maging isang 100% na bansa.

Noong kampanya sinabi ko na pagkatapos na eleksyon ay kailangan nating kalimutan ang mga kulay na naging palatandaa­n ng ating pulitika. Ang mga kulay na ito ay naging mukha ng mainit na away ng mga supporters.

At dahil tapos na ang kampanya at eleksyon, panahon na para kalimutan ang mga kulay ng pagkakahiw­a-hiwalay. Tapusin na natin ang pamumuliti­ka. Dapat lamang na ang lahat ng mga nahalal sa pwesto ay manguna sa pagsiguro na lahat ng mga Pilipino – supporters man o hindi – ay mabigyan ng tamang serbisyo.

At hinihingi ko rin at inaasahan ang inyong patuloy na suporta sa ating pangulo – President Bongbong Marcos.

Mas higit na kailangan ni Bongbong Marcos ang ating suporta ngayon bilang bagong Pangulo ng Pilipinas – para magawa niya ang kanyang mandato. (Read full speech on sunstar.com.ph/

Newspapers in English

Newspapers from Philippines