Sun.Star Pampanga

EnjoyangMa­caoTrip ko

-

Ang daming perang umagos sa Macao noong nakaraang Linggo ng maglaban ang ating pambansang kamao na si Manny Pacquiao at ang Amerikanon­g si Chris Algieri. Ito pa lang ang pangalawan­g beses na napanood ko ng personal ang laban ni Pacman. Una yaong nasa MGM Grand sa may Las Vegas, USA, at pangalawa nga dito sa may otel ng Venetian sa Macao.

Daming Pilipinong natalo sa pustahan dahil ang pusta ay hindi naman kung sino ang mananalo kung hindi may knockout at di matatapos ang 12 rounds. Kaso mo mukhang naduwag si Algieri at halos sumayaw at takbo ang ginawa, akala mo dance sport at hindi boxing ang laro.

***** Ang Venetian Hotel ay may 3,000 na kwarto at fully booked ito. Nag-alaala nga at tinawagan ako ng aking kaibigang Governor Vic Yap dahil hindi siya makahirit pa ng isang kwarto para sa kaniyang kuya at bayaw, na kung pwede pumisan na lang sa akin. Ganoon din si kaibigang Alex Caugiran na nagtiis na lang pumisan sa isang kwarto na apat na katao ang laman.

Punong puno ng mga nagsugal sa casino at naglaro sa mga slot machines. Yaong 35 na fine dining restaurant­s ng Venetian ay puno ng kumakain.

Ang balita dito, nag-ambagan ang mga hotel casinos dito para sa purse money ni Pacquiao na $25 million at r$1.8 million naman para kay Algieri. At noong nag-lunch kami na kasama ang Kumpareng Dinan Labung, Albert Lacanilao at Diman Datu, kinwenta ni kumpare ang kita ng Macao sa tatlong araw na pagdagsa ng mga bisita na hindi kukulangin sa isang bilyong dolyar. Dinetalye ni kumpareng Dinan ang kita ng mga casinos, at ganoon na nga. Laki ng pakinabang ng Macao. Kaya tuloy nagagalit ang Las Vegas sa kay promoter na Bob Arum, kung bakit iniiwan ang Las Vegas at napaboran ang Macao.

***** Maaring ang marami ay hindi nag-enjoy sa boxing, pero ako’y nasiyahan na rin dahil bukod sa panalo ang Pacquiao, marami sa aking mga kaibigan ang aking nakahuntah­an, nagbalitaa­n, nagkenkoya­n at kumain ng lutong Macao.

Kasama ang dating Konsehal Bong Alvaro, na ngayon isa ng matagumpay na negosyante, dalawang gabing kasalo sa hapunan sa isang marangyang retoran si Senador Koko Pimentel, Enix Salvador, Jeff Del Mundo, isang bagong kaibigan na si Edwin at si Abel Manliclic.

Matagal na ring panahong hindi kami nagkita ng kumpareng Bong Pineda ng Lubao. Todo kwentuhan at tawanan kami. Kasama niyang bumiyahe sa Macao sila Clark Developmen­t Directors Manolo Feliciano at Bong Baron. Ambagan ng sariling kwento sila Gus Ayson, Buddy Dungca at Sam Bugayong.

Sa airport patungong Macao, marami ng kape at balitaan ang nangyari sa amin nila Mayors Rene Maglanque ng Candaba at Dan Guinto ng Masantol. Ang kaibigang jetsetter na si Martin Vitug ay hirap na hirap na hila ang ang malaking laruang Godzilla sa airport na binili niya para sa anak niyang bunsong si Kikoy. Halos mapaluha ako sa kata-tawa. In short, I enjoyed the Macao trip, ika sa inglis.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines