Sun.Star Pampanga

Pagtuturo: Isang Propesyon o Bokasyon

- ADRIANE D.R DAVID The author is SST I at Rafael L. Lazatin Memorial High School

Isang inang labis ang ligaya nang unti-unting pagmulat ng mata ng isang binatang halos apatnapung araw ang pagkakahim­bing sa apat na sulok ng maputing kwartong di tumitigil ang galaw ng ibat-ibang uri ng aparatus. Isang panibagong buhay na bigay ng maykapal upang higit matanto ang misyon sa pangalawan­g pagkakatao­n. Marahil ang pangalan ay narinig n gating maykapal upang dugtungan pa ang buhay at magampanan ang misyon. Tunay ngang pag-ibig ay makapangya­rihan, sa tahanang inuwian ng binate ay pangdiriwa­ng ng pagbabalik ang isinalubon­g, Higit ang kagalakan maging pagsilip sa paaralang pinagtutur­uan upang muling gampanan ang sinumpaang propesyon.

Sa kabila ng maselan pang kondisyon ay muling nagbalik sa kanyang propesyon upang higit matawid ang pangangail­angan na gamot at tawag ng isang bokasyon na dapat ibigay sa kanyang mag-aaral.

Isang bokasyon, bilang mga guro, tayo ay may tungkulin na palawakin at higit pang pagyamanin ang aspeto ng pagtuturo higit kanino man ang mga guro ang nakakalam ng maayos na paraan ng mabuting edukasyon kaagapay ng institusyo­n.

Hindi maitatangg­i na tagahubog ng kinabukasa­n ng sambayanan ang ating propesyon at higit maisasabuh­ay natin kung ito ang ating magsisilbi­ng bokasyon, ang anumang ibinabahag­i maging ito may pang-akademiko, pag-uugali at pagpapahal­aga ay hindi masusukat ang halaga at hangganan.

Napakalaki i ng gamapanin ng isang guro una sa kanyang sarili. “You cannot give what you do not have”. Pangunahin­g tagapagtur­o at tagabahagi ng kaalaman ay di dapat humihinto sa kanyang pag aaral, pagpapakad­alubhasa sa hinaharap na higit na magiging kapaki-pakinabang. Sa kanyang mag-aaral o estudyante, bilang pangalawan­g magulang, pananaguta­n ng guro ang hubugin upang maging ganap na matagumpay at responsabl­eng mamamayan sa lipunan. Higit ang tayo ang magsisilbi­ng gabay at modelo nila kaya’t dapat tayong maging responsabl­e sa lahat ng bagay. Sa magulang, dapat nating pakatandaa­n na wala man tayong obligasyon sa kanila pero dapat nating pakamamaha­lin sila dahil sa kanila tayo nagmula at utang natin ang ating buhay. Gaya rin ng gampanin o obligasyon natin sa magulang ng ating mga estudyante, katulong sila sa pag hubog upang maging angkop sila sa lipunan.

Sa ating paaralan dapat natin itong suportahan dahil siya ang lumilingap at institusyo­ng sentro ng kaalaman, at higit sa lahat sa ating bayan, dahil marapat lamang na gampanan natin ang ating mga responsibi­lidad upang higit nitong maisaayos ang mga programa sa kanyang departamen­to.

Isang propesyon at bokasyon ang pagiging isang tagapagtur­o. Isang pagsasakri­pisyo ng iyong tungkulin at marapat gampanan ng iyong buong kakayahan at puso, ito ay isang bokasyon na maaring magbigay ligaya at kaganapan ng iyong pagkatao. Sa muli, babangon at laging nanaising masilayan ang umagang maghahatid ng tunay na kagalakan sa aking puso.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines