Sun.Star Pampanga

Mga bagong upong PDs at CD galing PRO11

-

Mula nang maupo si Chief Superinten­dent Aaron Aquino bilang Police Regional Office-3 director, karamihan sa mga nauupo sa mga Provincial Police Offices at City Police Offices ay galing sa PRO11 ( Davao) .

Maging ang mga Staff Officer ni Aquino ay pawang dating natalaga na rin sa Davao.

Nang magretiro si Senior Superinten­dent Rodolfo Recomono, bilang Pampanga Police provincial director noong Oktobre 26, inaasahan ang papalit sa kanya ay iyong mga Senior Superinten­dents na nakatalaga sa PRO3.

Nguni’t hindi nangyari ito, si Senior Superinten­dent Joel Consulta ang naupo bilang OfficerIn-Charge ng Pampanga Police Provincial Office.

At nang magretiro si Senior Superinten­dent Jerry Sumbad ng Olongapo City police office noong Nobiembre 26, ang itinatalag­a kapalit nito ay si Senior Superinten­dent Melchor Cabalza.

Si Senior Superinten­dent Randolf Balonglong ang itinalagan­g Officer-In-Charge ng Aurora police provincial office nang ma-relieved si Senior Superinten­dent Danilo Florentino.

Ganoon din ang nangyari sa Zambales police provincial office nang ma-relieved si Senior Superinten­dent Depra ang pumalit ay si Senior Superinten­dent Christophe­r Mateo bilang Officer-InChar ge.

Ang apat na naupong Senior Superinten­dents ay dating nakatalaga sa PRO11 (Davao) na kung saan matagal silang nagserbisy­o kay Pangulong Rodrigo Duterte at nakasama din ni RD.

Ang mga nabanggit na mga Senior Superinten­dents itinalaga sa Central Luzon upang sugpuin ang illegal drugs sa rehiyon? Nagtatanon­g lang po ....

Ang biro ng mga police officer, sinalakay na raw ang Central Luzon ng mga Senior Superinten­dent na taga Davao? Nagtatanon­g lang po.

E kung tutuusin, ayon sa mga police officer, marami naman daw “qualified” Senior Superinten­dent taga Central Luzon sa mga nasabing mga puwesto.

Ang sabi naman sa Inyong Lingkod ng ibang police officer, e “weather weather” lang e napapanaho­n daw ang mga taga Davao ngayon.

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines