Sun.Star Pampanga

Bulacan police nangunguna pa rin sa Double Barrel Reloaded

-

Hindi talaga maunahan ng ibang Provincial Police Office ang Bulacan Police sa “accomplish­ments” re drugs campaign.

Matatandaa­n nang magbigay “go signal” si Chief PNP Director General Ronald “Bato” Dela Rosa upang simulan ang Double Barrel Reloaded ang Bulacan police ang unang nagbigay ng “big accomplish­ments.”

Sa pagtatapos ng buwan ng Pebrero, siyam na mga drug suspek ang napatay ng Bulacan police provincial office sa serye ng anti-drug operation nito sa tatlong bayan ng lalawigan.

Mahigit sa 17 drug suspects ang naaresto ng Bulacan police kasama ang oepratiba ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency III (PDEA-3) sa mga magkakahiw­alay na buy-bust operation at search warrants.

Nitong buwan kasalukuya­n umaabot na sa pito ang namamatay na mga drug suspects sa Bulacan. Ang mga ito nagaganap sa buy-bust operation na kung saan nagtatangk­ang lumaban ang mga ito sa mga operatiba.

Iyong ba naman drug suspects ay binabaril at napapatay ng mga armadong lalake “riding-in-tandem.”

Kaya naman si Senior Superinten­dent Romeo Caramat Jr., Bulacan police acting provincial director ang malamit na pinupuri ng PNP chief dahil sa kanyang magandang “drug accomplish­ments.”

Pumapangal­awa naman ang Pampanga police sa drugs accomplish­ment na kung saan mayroon na rin tatlo drug pushers/ users ang napapatay sa lalawigan.

Dalawang drug suspects ang naaresto ng Pampanga Police sa magkahiwal­ay na anti-drug operation.

Pumapangat­lo naman ang Angeles City police sa drug accomplish­ments ngunit halos mga arestado lamang mga drug personalit­y.

Iyong ibang mga provincial police office sa Central Luzon ay mukhang hindi pa rin nagbibigay na “drugs accomplish­ments.”

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines