Sun.Star Pampanga

Quarry revenues umabot sa PHP2.2-B?

-

Sa loob ng pitong taon, umabot na umano sa PHP2,299,104,020.00 ang nakolekta o kinita ng Provincial Government Environmen­t and Natural Resources Office ( PGENRO) .

Mula July 2010 hanggang May 2017, na halos PHP2.2 bilyon ang kinita o nakolekta ng PGENRO mula sa quarry revenues.

Ayon sa ulat ni Art Punzalan, chief ng PGENRO ang naturang halaga ay batay sa kanilang record.

Ang PHP2.2 bilyon koleksyon ay mula sa quarry collection, weighing scale fees, accreditio­n ng motor vehicle fees at fees mula sa gravel at sand persmits.

Ito ang pinagmamal­aki ngayon ni Gobernador­a Lilia “Nanay” Pineda na kung saan ang target nitong PHP2 bilyon sa kanyang termino ay nakamit na ng Provincial Government.

Matatandaa­n noong termino ni dating Gov. Lito Lapid at Mark Lapid hindi nila napaabot sa PHP 2 bilyon ang koleksyon ng quarry revenue.

Bakit kaya sa termino ni Gob Pineda ay umabot sa PHP2 bilyon ang nakolekta ng PGENRO at maaari pa itong umabot sa PHp3 bilyon bago matapos ang termino ni gobernador­a.

Saan naman kaya gagamitin ang quarry collection­s? Nagtatanon­g lang po..

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines