Sun.Star Pampanga

Ang ENDO umiiral pa rin

-

Malaking porsyento sa ating mga kababayan ang malaki ang tiwala kay Pangulong Duterte. Iba siya kung mangako. Salitang lalaki. Ang pangako niyang susugpuin ang pagkalat ng droga ay tinutupad. Ang mabawasan ang korapsyon ay tinutukan din. Subali't itong tungkol sa ENDO ay mukhang naisantabi. Nasa 'back burner' ika nga.

Noon pa man ay naisulat ko na malaking suliranin ng mga kabataan ngayon ay ang walang halos kawalan ng oportunida­d na makahanap ng matatag na hanapbuhay. May mga trabahong mapapasuka­n subali't hindi pangmataga­lan at hindi permanente. Pagkatapos ng limang buwan, ENDO na.

Nasali na sa bokabulary­o ang salitang ENDO, na ang ibig sabihin ay End of Contract. Marami sa mga kabataan, tapos sa kolehiyo, ang namamasuka­n at pagkatapos ng ilan buwan, pahinga, pwedeng bumalik sa dati o maghahanap ng ibang kumpanya. Pero ganoon pa rin. Limang buw ang pamamasuka­n. Ito na ang sistema sa kasalukuya­n at parang tanggap na.

Noong mga dekada singkwenta, sisenta at hanggang sa panahon ni Pangulong Ferdinand Marcos, ang mga trabahador sa mga planta, mga despatsado­ra sa mga tindahan, mga empleyado sa mga tanggapang pribabo at sa iba't ibang uri ng hanapbuhay ay may security of tenure.

Halimbawa ang isang pahinante ng trak ng San Miguel Corporatio­n pag natanggap bilang trabahador, bibilang na siyang taon hanggang sa maabot ang itinakdang edad sa pag-retiro. May mga benepisyon­g kamukha ng isang kabang bigas kada buwan, may Social Security System membership at iba't iba pang insentibo.

Hindi lang ang San Miguel Corporatio­n ang may ganoong batas na sinusunod, kung hindi lahat ng negosyo, malaki o maliit man ay sunod sa batas ng Kagawaran ng Paggawa.

Ganoon ang sistema. Ganoon ang kalakaran, hanggang isang araw bigla na lang nagbago at mga hanay ng mangagawa ay hindi todo nag-ingay para labanan ang sistemang umiiral ngayon sa ganang akin ay hindi pabor sa mga mamayan, lalo na sa kabataan.

Isa ako sa maraming peryodista na pahingaan ang mga coffee shops sa mga malaking malls dito sa San Fernando at sa Angeles. At may pagkakatao­n magka-minsan na makausap ang mga empleyado ng malls nila Mr. Henry Sy, Mr. Lucio Co at Mr. John Gokongwei. Pare-pareho ang hinaing ng mga empleyado. Walang security of tenure. Mahirap mapermanen­te kahit gaano kagaling. Hanggang ngayon umiiral pa rin ang ENDO. Tw eet s: + Maraming mga kalat na balita tungkol sa paglaganap ng terorismo sa Pampanga. Huwag masyadong magpapaniw­ala sa mga ganitong balita. Pero kailangan mag-ingat at mapagmasid, ke totoo o hindi totoo itong mga balita.

+ Laki ng pagbabago sa hitsura ng Nepo Mart Area sa Lungsod Angeles. Kagandang pasyalan.

+ Ang mga malls ng SM lalo na itong nasa Lungsod San Fernando kailangan ng magtayo ng parking building na kahit tatlong palapag man lamang. Sobrang sikip na at walang ng mapaparada­an ang mga sasakyan.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines