Sun.Star Pampanga

Walang duda No. 1 ang Bulacan police sa kampanya kontra droga

-

Sa lahat ng lalawigan sa Central Luzon at maging sa iba pang lalawigan sa ibang rehiyon, walang kaduda duda nangunguna ang Bulacan police Sa kampanya nito sa illegal drugs.

Matatandaa­n nang maupo si Senior Superinten­dent Romeo Caramat, Bulacan police acting provincial director, hindi na mabilang ang drug suspects na napapatay sa kanyang area of responsibi­lity.

Maging sa bilang ng mga arrested drug suspects nangunguna ang Bulacan police sa kampanya nito kontra droga.

Hindi nagbibiro si Caramat sa kanyang kampanya kontra droga dahil mula nang ito’y maupo hanggang sa kasalukuya­n marami na itong accomplish­ments sa illegal drugs.

Maging ang lahat ng kanyang mga hepe ay masipag magtrabaho laban sa pinagbabaw­al na gamot.

Lalong pinatunaya­n ni Caramat na nangunguna ang Bulacan police kontra droga nang inilunsad nito ang One Time Big Time Operations noong Martes.

Lahat ng kanyang mga hepe ay mayroon idiliber na napatay na drug suspects at naaresto.

Sa loob lamang ng isang araw umabot sa 27 drug suspects ang napatay ng Bulacan police sa mga shooting incident sa iba’t ibang bayan.

Umaabot naman sa 64 drug suspects ang naaresto sa magkakahiw­alay buy-bust operations.

Halos 19 kalilbre .38, dalawang improvised gun, isang calibre .22 at .9mm pistol ang narekober sa mga nasawing drug suspects.

Aabot naman sa 110 grams na shabu ang nakumpiska sa mga napatay at naarestong suspek.

Sana mabigyan ng pangaral ni Chief Superinten­dent Aaron Aquino, Police Regional Office3 director si Caramat sa kanyang mga “big accomplish­ments.”

***** Rumble strip nirereklam­o ng mga motorist

Sa kahabaan ng MacArthur highway mula sa Barangay Dolores hanggang sa Barangay Telabastag­a sa City of San Fernando ay pinotakti ng rumble strip.

Karamihan sa mg rumble strip ay matatalim kaya kapag dumaan isang sasakyan lalo ang kotse ay parang dumaan ka sa malalim na lubak.

Nagmuha pa itong mga maliliit na hump, ayon sa mga motorist.

Ang mga nasabing Rumble Strip ay nakakasira ng bolt-joint at shock absorber ng sasakyan.

Hindi lang mga private vehicle owners ang nagsisirek­lamo maging iyong mga jeepney driver.

Ayon nga sa jeepney driver halos malalalag ang mga parts ng kanyang sasakyan kapag dumaan sa mga nasabing matatalim o makapal rumble strip.

Kaya nanawagan ang mga motorista regional director ng Department Public Works and Highways na ayusin ang mga rumble strip kasi baka sa isang araw ito pa ang magiging dahilan na aksidente dahil sa pag-iwas ng ibang driver sa mga matatalim rumble strip.

Director aksyon ninyo ang karaingan ng mga drayber…

Hihintay ng Dateline ang iyong aksyon sa inilagay ninyong rumble strip.

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines