Sun.Star Pampanga

Quarry o Cargo trucks sanhi ng grabeng trapik sa CSF

-

Tuwing rush hour, nakikisaba­y ang mga quarry o cargo truck sa pagdaan sa Mac Arthur highway at Jose Abad Santos Avenue ( JASA) .

Sa Obserbasyo­n ng Dateline, ito ang malaking sanhi sa grabeng trapik nararanasa­n sa City of San Fernando.

Sabay-sabay ang pagdaan ng mga quarry o cargo truck sa naturang kalsada lalo na kapag rush hour.

Iyong iba pa nga nakikipag karera pa sa mga private at public transporta­tion vehicle sa kahabaan ng Mc Arthur highw a y.

Iyong iba naman ay pinaparada pa ang kanilang trak sa gilid ng highway kaya lalong sumisikip ang kalsada.

Isa pa nagiging sanhi ng grabeng trapik ay ang pagpapasak­ay at pagbababa ng mga jeepney driver sa kanyang mga pasahero sa gitnang ng k al sad a.

Umaga at gabi ang pagdaan ng mga quarry o cargo truck sa mga pangunahin­g kalsada sa lungsod. Walang oras ang mga ito sa pagdaan sa CSF.

Dapat lang siguro, magkaroon ng oras kung kalian dapat dumaan ang mga quarry o cargo truck para maibsan ang grabeng trapik sa Mc Arthur highway at JASA.

Kinakailan­gan magkaroon ng truck ban sa lungsod upang sa ganoon maibsan ang grabeng trapik sa lungsod nararanasa­n ng mga Fernandino at Fernandina.

Marami ng motorista ang naiinis sa grabeng trapik sa CSF.

Ano kaya ang maaaring maisip o plano o solusyon sa grabeng trapik sa lungsod ng chief ng Traffic Enforcemen­t Management na pinamumunu­an ni Retired General Danilo Bautista.

Aabangan ng mga Fernandino at Fernandina ang magiging aksyon ni City Mayor Edwin Santiago at ni General Bautista ....

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines