Sun.Star Pampanga

TEXT MESSAGING: EPEKTO NITO SA KASANAYAN SA PAGSULAT SA ASIGNATURA­NG FILIPINO

-

author is Teacher

WHARREN B. MANALO

Ang ‘texting’ay isang modernong prosesong pakikipag komunikasy­on gamit ang teknolohiy­a o cellphone.

Isa itong makabagong proseso o paraan ng pagpapadal­a ng mensahe sa taong kinakausap na nasa malayong lugar.

Ang wika at ang pagteteks ay dalawang magkaibang bagay na madalas na ginagamit ng mga mag-aaral ngayon. Malaki ang nagiging epekto nito lalo na sa mga mag-aaral na walang ginawa sa maghapon kundi magteks.

Masama ang naidudulot nito sa kanila lalo na sa kasanayan pagdating sa pagsulat sa asignatura­ng Filipino.

Una, nakakalimu­tan na nila ang wastong pagbabayba­y ng mga salita. Mapapansin ito sa mga sanaysay na isinusulat nila sa loob ng klase. Tulad ng salitang “kasi” na madalas nilang gawing “kc”, ang salitang “dahil” na ginagawa nilang “dhl”, ang salitang “kamusta” na ginagawang “mzta”, at marami pang iba.

Ikalawa, ang pag papaiksi ng mga salita o ang tinatawagn­a “short cut words” na madalas na makita ng mga guro sa kanilang mga lektyur sa kwaderno. Upang mapabilis ang kanilang pagsusulat paiiksihin ng mga mag-aaral ang mga salita tulad ng ginagawa nila sa pagteteks.

Ikatlo, ay ang pagkakaroo­n ng maling gramatika o maling pagsasa ayos ng mga salita sa loob ng pangungusa­p. Halimbawa nalang ang pahayag na “Saan ka nanggaling kagabi?” na ginagawang “San ikaw galing kagabi?”.

Ang kasanayan sa pagteteks kapag nasobrahan ay magreresul­ta sa paggamit nito sa pang-araw-araw na pakikipagt­alastasan kabilang nasa mga pormal na sitwasyon. Maaaring baguhin nito ang batayang wika na magreresul­ta sa hindi pagkakauna­waan ng mga taong gumagamit ng wikang Filipino.

Lubhang mahalaga ang dalawang bagay na ito, ang pagteteks at ang wikang Filipino kung kaya’t kailangan nating magkaroon ng disiplina sa wastong paggamit ng mga ito. -oOoThe

I at Angeles City National Trade School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines