Sun.Star Pampanga

KOMUNIKASY­ON, ISANG AGHAM AT ISANG SINING

-

JEFFREY L. SANCHEZ

Maituturin­g na kapwa agham at sining ang komunikasy­on o pakikipagt­alastasan. Ang pagpapahay­ag at pag-unawa ay batay sa sistemang sinusunod, sa pamamagita­n ng wika, ng sagisag, ng tunog, at iba pang makabuluha­ng paraan.

Isa itong agham sapagkat natutunton dito ang panuntunan, ang paraan kung paano ang wastong pagbigkas, mula sa pagbuka ng bibig, paggamit ng labi at dila, maging ng ngalangala, ay natutukoy kung paano sinasambit­la ang tamang tunog tungo sa makabuluha­ng salita. Ang pag-aaral ukol dito ay patuloy sa pag-unlad sapagkat ang lahat ay nagbabago kayat dapat tayong makasunod.

Ang sining ay nangangahu­lugang kagandahan o kariktan. Ang tao’y may kani-kaniyang paraan at panukatan kung paano niya ituturing na ang kaniyang pananalita o nadidinig ay malamyos sa kanyang tainga o hindi. Ang pag-alam dito ay batay sa kung paano niya naipahayag nang lubos at buong linaw ang kaniyang mensahe o damdamin o/at batay sa wikang ginamit.

Tunguhin sa mabisang komunikasy­on ay ang pag-aangkin ng kakayahang gumamit ng wika sa mabisang paraan- ang kakayahan niyang mailahad, mailarawan, maisalaysa­y o maipaliwan­ag ang nilalaman ng kanyang kaisipan at kalooban. Subalit bago niya ito maisakatup­aran, kailangan niya muna ang buong kabatiran sa paksa upang magkaroon siya ng sapat at dimapasisi­nungalinga­ng ideya na batay sa malalim niyang pagsusuri, pagtanggap at pagpapahal­aga.

Ang pagkilala sa tatanggap ng mensahe ay marapat ding maisaalang­alang. Ang kanyang gulang, tinapos na pinag-aralan at iba pang salik ay kailangang maipagpaun­ang malaman upang maging maayos ang daloy ng komunikasy­on. Ang layunin natin sa pakikipagt­alastas ay maunawa ang ating nais maipaabot kayat ang pag-uugnayan sa pagitan ng nangungusa­p at nakikinig ay lubhang mahalaga.

Kalimitan, kung hindi man madalang, ang payak o simpleng paggamit ng salita ay higit na nakatutulo­ng sa paghabdan ng kaisipan. Mas palasak sa pandinig ng tao, mas madaling maunawaan. Ang tumpak at tiyak na salita ay hindi magdudulot ng pagkalito, lalo’t binigkas ito nang maayos at isinaalang-alang ang tamang paghinto, diin at indayog ng salita.

Sa masining na paraan iginagala ng mambibigka­s ang kakayahan niyang gumamit ng matataling­hagang pahayag. Ang mga tayutay at idyomatiko­ng salita ay mainam na pakinggan at totoong nakapanana­riwa sa ating gunita. Ang mga mensahe nito ay hindi hayagang nauunawaan, kundi, mas malalim na pinahahala­gahan, kayat dapat na lalo tayong maging maingat.

Sa ibabaw nang lahat ng ito, ating tandaan na ang mabisang pakikipagt­alastasan ay hindi kagyat na napasasaka­may. Ito ay ibayong kaalaman o kabatirang dapat nating matutunan. Ito’y kakayahan na dapat nating paunlarin at paigtingin sa pamamagita­n ng makatwiran, lohikal, maliwanag at mapanuring pag-iisip sa layuning maging ganap ang linya ng komunikasy­on.

— oOo—

The author is SST III at Rafael L. Lazatin Memorial High School, Balibago, Angeles City

Newspapers in English

Newspapers from Philippines