Sun.Star Pampanga

Kakai Bautista, di pa rin maka-move on kay Ahron Villena?

-

Sa tanong kung sino ang nagpapangi­ti sa kanya, sagot ni Kakai Bautista ay ‘Ahron’

Sa Tonight with Boy Abunda, sinabi ni Kakai Bautista kung paano niya napatawad ang dating nakaaway at dating rumored boyfriend na si Ahron Villena. “Kasi gumising na lang ako isang umaga, wala na e. Hindi na ako galit. Hindi na masakit. Pag tinitingna­n ko yung picture niya, hindi na ako yung gusto mong suntukin ang picture.”

Nagkita raw sila ni Ahron after almost three years simula nang magkaroon sila ng gulo at ani Kakai, “as in ang sarap ng feeling na wala na akong naramdaman… Nagtatawan­an lang kami ganyan. Hanggang sa tuloy-tuloy na.”

Nang tanungin kung ano ang naging biggest lesson niya sa pagmamahal, sagot ni Kakai ay, “kailangan talaga pag nagmahal ka, may mga sitwasyon na hindi mo dapat baguhin yung sarili mo e. Kasi pagkamahal ka ng tao, tanggap ka talaga ng tao, hindi mo babaguhin e. I changed most of myself. So hindi pala kasi as in walang natira e, as in wasak. Naubos so hindi pala dapat ganun.”

Pero ayon kay Kakai, naiintindi­han niya pa rin si Ahron. “Pero I understand him. I understood na ganun kasi I loved e.” Hindi rin daw niya kayang makatrabah­o si Ahron kung hindi maayos ang kanilang sitwasyon. “Kaya nga sabi ko hindi ko talaga tatanggapi­n ang pelikula kung hindi talaga ako okay. Kasi hindi ko naman maatim makasama yung taong kasamaan ko ng loob, o may something.”

Nang kamustahin naman ang lagay ng puso ngayon ni Kakai, ang sabi niya ay, “Masaya po siya. I dated some guys. Andun pa rin ako sa kapag hindi binigay sa ’yo na itotodo ko ‘tong babaeng to, I will pursue this. Pag hindi ko naramdaman na ganun, okay bye.”

Dagdag pa ng Dental Diva, “Saka pag gugustuhin talaga ako ng lalaki, gustuhin mo talaga ako. Nag-aksaya ako ng panahon sa’yo, sino ka ba? Ang ganda ko kaya, hello!”

Sa Fast Talk, nang tanungin si Kakai kung sino ang nakapagpap­angiti sa kanya ang sagot ni Kakai ay si, “Ahron.”

Newspapers in English

Newspapers from Philippines