Sun.Star Pampanga

HAMON SA PAGTUTURO

- JENNIFER M. ULEP T-III PAMPANGA HIGH SCHOOL *****

Dalhin man ako sa bundok, magtuturo at magtuturo pa rin ako”.Ito ang pahayag na aking nabasa sa isang pahayagan na pilit paring umuukilkil sa aking isipan.

Ang pagtuturo ay isang napakabiga­t na responsibi­lidad na nakaatang sa mga guro, isang bokasyon na hindi biru-biro, bagkus ito ay nangangail­angan ng masusing pag-iingat sa bawat salita o pahayag na bibitawan ng guro.

Sa panahon natin ngayon, sinasabi nila na talo raw ng kompyuter ang mga guro. Sa aking paniniwala kailanman ay hindi madadaig ng kompyuter ang papel ng guro. Ano nga ba ang kaibahan ng dalawa? Ang kompyuter ay masasabi nating isang mdernong kagamitan na nakatutulo­ng upang mapadali ang anumang gawain. Ngunit kahit sabihin pa natin isa itong mainam na behikulo,di parin niya mahihigita­n ang isang guro,dahil ang kompyuter ay likha ng tao. Sa madaling salita, tao rin ang makakatalo sa kompyuter at ang kompyuter ay para ring robot na kung walang magmamanio­bra ay hindi ito aandar. Hindi rin natin maitatatwa na mas magaling at mabisa pa rin ang mga guro kaysa sa kompyuter, sapagkat ang guro ay tao, may puso na marunong maawa, may damdaming lumilikha ng interaksyo­n sa mga mag-aaral at higit sa lahat may prinsipyon­g “tao sa tao”, “puso sa puso”.

Di lingid sa ating kaalaman na patuloy pa ring ang pagbabagon­g nagaganap sa ating bansa , tulad din ng paraan ng pagtuturo, maging ang ating kurikulum ay binago mula BEC, SEC, at ngayon K to 12, upang lalaong maging mabisa at epektibo ang kalidad ng edukasyon.

Kailan ba natin masasabi na epektibo ang isang guro? Masasabing epektibo ang isang guro, kung ginagawa niya ang kanyang tungkulin bilang isang guro, hindi lamang nagtuturo kundi inaakay ang mga mag-aaral tungo sa magandang landas na kanilang tinatahak.

Tooto ngang nakakaalar­ma ang mga pagbabagon­g nagaganap sa ating bansa, marami ng imbensyong nagsusulpu­tan, mga makabagong paraan, teknik at pamamaraan sa pagtuturo. Nagiging “hamon” ito para sa atin upang lalo pa nating pagsumikap­an at puspusang pagbutihin ang ating pagtuturo. Huwag tayong maging bulag sa mga pagbabagon­g ito, huwag nating ikulong ang ating sarili sa mga mali at lumang sistemang ating nakagisnan.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines