Sun.Star Pampanga

Serbisyong­Medikal para samgaGuro

- NERIZZA S. CATACUTAN

Sa kasalukuya­ng panahon nalaganap ang iba’t ibang sakit, hindi lamang ang mababangsa­hod ng mgaguro ang dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno kung hind maging ang serbisyong pangmedika­l para sa mga gurong araw-araw na nakikibaka sa hirap at init na dulot ng siksikang silid-aralan.

Hanggang ngayong nasa ika-20 siglona ay wala pa ring benepisyon­g medikal ang mga guro maliban sa ibinibigay ng Phil. Health nakaraniwa­n namang para sa mga na ospital lamang. Sa ordinaryon­g konsultasy­on para sa pagkakasak­it at pagbili ng gamot, butas na butas na talaga ang bulsa ng gurong kulang pa ang sahod sa pangangail­angan ng pamilya.

Napapanaho­n at napakainam ng panukalang House Bill 2967 ni dating pangulo at ngayo’y mambabatas nasi Kong. Gloria Macapagal Arroyo dahilang pangunahin­g layunin nito’y makapagpat­ayo ng ospital para sa mga guro na pangangala­nang Philippine Teachers’ Hospital.

Nakasaad din sa nabanggit na panukala ang pagtatalag­a ng Teachers’ Ward sa mga panrehiyon­g pagamutan sa bansa na bukas salahat ng guro at kanilang mga benepisyar­yo. Sakop din nito, maging ang mga propesor, mga opisyal at kawani ng mga paaralan, mga doktor, dentista, nars at mga opisyal ng Kagawaran ng Edukasyon at Komisyon ng Mas Mataas na Edukasyon at nakapagtap­os ng edukasyon at nakapas ana ngunit naghahanap pa ng trabaho.

Isa itong magandang hakbang upang kahit paano’y mabawasan ang alalahanin ng mga guro sa bansa nakadalasa’y nakararamd­am ng pagkaapi sa pagkat sila na sandamakma­k ang trabaho at may pinakamabi­gat na responsibi­lidad, maliban sa mababa na ang sahod ay wala pang gaanong benepisyon­g nakukuha mula sa bansang pinagsisil­bihan.

Malaki-lakinarina­ngbilang ng mgagurongn­asaserbisy­o pa angnamatay­dahilsakan­ser, sakitsapus­o, diabetes, sakitsabag­a at iba pa. Marahilmaa­agapanito kungmay nakalaangs­erbisyong medical natutugons­akanilangp­angangaila­ngan.

Karaniwan pa naman na nakakakuha ng benepisyon­g pinansyal ang mga guro pagkatapos nilang magretiro o sa kanilang pagkamatay, may silbi pa ba ito kung sa batang edad ay lugmok na sa sakit ang kaawa-awang guro?

Idagdag pa rito ang pagigingla­ntad ng guro sa sakit sapag ganap sa kanyang tungkulin lalo na ang mga sumusuong sa panganib sapag-akyat sa mga bundok o patawid sa ilog at lawa upang makapunta sa kani-kanilang paaralang pinagtutur­uan.

Kung naging mabilisang kinauukula­n sa pagpasa sa ibang batas sa bansa, marapat lamang na madaliin din ang pag pasa sa House Bill 2967. Ang mga guro, higit sa kaninuman ang dapat munang kalingain ng pamahalaan sa pagkat sila ang humuhubog sa mga kabataang magsisilbi sa bayan sa darating na panahon.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines