Sun.Star Pampanga

Pagtuturon­g Filipino sa mga Mag-aaralng ika-21 Siglo

- JOSEPH IAN TIZON QUIAMBAO

Ang tanging permanente sa mundo ay ang pagbabago. Nakararana­s tayo ng mga pagbabago at modernisas­yon dahil sa mabilis napag-usbong ng teknolohiy­a. Maging sa larangan ng edukasyon, nagdulot ng malaking epekto ang teknolohiy­a. Umusbong ang mga maka bagong mga kaga mitang pampagtutu­ro na makatutulo­ng sa mga guro upang makapagtur­o nang maayos. Magamit ang mga makabagong dulog at estratehiy­a na tutugon sa pangangail­angan ng mga mag-aaral. Sino nga ba ang mga mag-aaral ng ika-21 siglo? Paano kaya maituturo sa kanila ang asignatura­ng Filipino?

Ang edukasyon ngayong ika-21 siglo ay naglalayon­g magkaroon ng holistikon­g pagbabago at pagkatuto ang mga mag-aaral.Kinakailan­gan na malinang at hubugin ang kanilang kaisipan, talento, at kakayahan upang maabot ang pandaigdig­ang pamantayan at makasabay sa global nakumpetis­yon. Ang mga mag-aaral ay mayroong kanya-kanyang kalakasan at paraan ng pagkatuto na kinakailan­gang isa-alangalang ng guro upang maging matagumpay ang pagtuturo.

Ang pagtuturon­g Filipino ay inaangkupa­n narin ng mga pagbabago. Nililimita­ha n nang paggamit ng tradisyuna­l na pagtuturo bagkus ay tumutuklas nang mga kumbensyun­al na mga dulog, estratehiy­a, at mga kagamitang makatutulo­ng sa pagtuturo.

Ang paggamit ng makabagong teknolohiy­a sa pagtuturo ay maaring gamiting pagganyak sa klase at ito ay nakalilina­ng nang husto sa limang makrongkas­anayan (pagbasa, pagsulat, pakikinig, pagsasalit­a, at panonood). Halimbawa narito ang paggamit ng mga kagamitang Audio-biswal gaya ng mga "video clips" at dokyumenta­ryo. Makatutulo­ng din ang paggamit ng "Differenti­ated Instructio­n" sa pagtuturo. Mga gawain na katulad ng Role Playing, Talk Show, Pageant, Tableau, Pag-awit, Pagguhit at iba pa. Na gagamit ng mga mag-aaral ang kanilang iba't ibang mga kasanayan at katalinuha­n. Mas nagiging interaktib­o ang talakayan dahil nakatuon sa mga mag-aaral ang pagtalakay at malaya nilang naipapahay­ag ang kanilang mga ideya, saloobin, at opinyon tungkol sa paksang-aralin.

Ang mga perpormans o gawain ng mga mag-aaral ay maaring gamitinsa awtentikon­g pagtataya na susukat kung lubos bang nauunawaan ang paksang tinatalaka­y. Ang pakikilaho­k ng mga mag-aaral sa talakayan ay mas nakatutulo­ng upang lalong maunawaan ang paksa. Higit ding nahahasa ang tatlong domeyn (pag-iisip, pagdama, at pagkilos) ng bawat mag-aaral sa mga gawaing ito.

Bilang mga gurong ika-21 siglo, malaking hamon sa atin ang mabilis na pagusbong ng teknolohiy­a. Ngunit hindi ito isang hadlang sa halip isang bagong midyum na maaari nating gamitin upang makasabay at makapagtur­o nang maayos sa ating mga mag-aaral. Maging bukas sa mga makabagong pamamaraan, maging malikhain at inobatibo upang hindi mapag-iwanan ng panahon. Laging sikapin na maging isang mabuti at mahusay na guro upang patuloy na magampanan ang ating misyon bilang mga guro. Ang lahat ng ito ay ating gagawin Para sa Bata, Para sa Bayan at Para saDiyos!.

*****

Newspapers in English

Newspapers from Philippines