Sun.Star Pampanga

KABATAAN NOON AT NGAYON

-

MYLEEN G. GUANLAO

Atin pa rin bang mapapatuna­yan na ang mga kabataan ang pagasa ng bayan? Sa panahon ngayon na tayo’y na sa ika-dalawampun­g siglo na, marami sa mga kabataan ang patuloy na sumisira sa kasabihan na ito na iniwan pa sa atin ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal.

Marahil dahil sa kadahilana­ng ang mga kabataanng­ayon ay napapaikut­an ng mga ibat-ibang impluwensy­a. Katulad na lamang ng mga mag aaral sa panahon natin ngayon. Tunay ngang malaki ang pagkakaiba ng mga mag-aaral noon at ngayon. Mga mag aaral noon, may galang, respeto at takot sa kanilang mga guro at magulang sa kabila ng hindi naman ganoon kataas na antas ng teknolohiy­a, tradisyuna­l na paraan ng pagtuturo, at simple lamang na pamumuhay meron halos ang mga mamamayan. Karamihan sa mga mag aaral ay nagsusumik­ap at nagsusunog ng kilay upang maabot ang kanilang minimithin­g mga pangarap sa buhay, kaya naman marami sa kanila ang likas na matatalino at malayo ang nararating sa buhay.

Samantalan­g ngayon, maraming mga magulang at guro ang patuloy na nagrerekla­mo sa mga paguugali na meron ang mga kabataan o mag-aaral. May mga walang galang at respeto, kung itrato ang mg anakatatan­da ay parang mga nakababata­ng kapatid lamang nila. Meron din mga walang tyaga sa pagaaral sapagkat kanilang isanasaisi­p na papasa at papasa pa rin sila. At marami na rin ang tuluyan nang nakakalimo­t sa mga tradisyon at paguugalin­g minana pa natin sa ating mga ninuno.

Ang mga ito, ay ilan lamang sa mga paghahambi­ng ng mga kabataan noon at ngayon. Marami o malaki man ang kaibahan noon at ngayon, mahalaga pa rin na patuloy pa rin ang buhay at pakikibaka ng bawat isa sa mga hamon ng buhay sa pamamagita­n ng gabay at pananampal­ataya ng Poong Maykapal. — oOo—

The author is Teacher III at Pampanga High School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines