Sun.Star Pampanga

Ara Mina hold fun run for kids with Down syndrome

-

Patuloy pa rin si Ara Mina sa kanyang ad v o cacy na matulungan ang mga bata na merong Down syndrome. Malapit si Ara sa mga may ganitong kondisyon dahil ang bunsong kapatid niyang si Mina Princess Klenk o Batching ay meron ding Down syndrome.

Tinawag ni Ara na “tAra Na Sa ARenaA 2018” ang kanyang fundraisin­g event at gaganapin ito sa May 27 sa Philippine Arena.

“May kapatid akong may Down syndrome, so talagang gumagawa ako ng mga projects, even before, lalo na para sa Down syndrome awareness saka for the benefit ng mga may Down syndrome.

“My sister is a member of Down Syndrome Associatio­n of the Philippine­s. Actually, ka-edad niya yung foundation,” kuwento ni Ara nang makausap siya ng PUSH sa Philippine Arena nung Thursday, May 17.

First project ni Ara noon para sa mga may Down syndrome ang concert sa Araneta Coliseum titled Loving Ara noong 2007.

Eh, sinu-sino ba ang ini-expect niyang magpa-participat­e sa “tARA Na Sa ARenA 2018”?

“Mostly mga kaibigan ko. Sina LJ Moreno at ang buong family niya, Say Alonzo, Christine Bersola-Babao, Diana Zubiri, Jenny Miller, Jessa Zaragosa, Dingdong Avanzado.

“Tapos tsinitsek pa yung cast ng Araw Gabi, basta marami pang iba. Yung iba kasi tsinitsek pa rin yung schedule nila. Si Aiko (Melendez) ininvite ko rin, pero depende pa rin sa availabili­ty ng schedule niya. Si Cristine (Reyes), Sunshine Cruz, susuporta sila basta okay yung sked nila,” pahayag niya.

Ibinalita rin ni Ara na makakasama nilang tatakbo sa Philipine Arena ang 100 kabataan na merong Down syndrome.

After ng fun run ay may paconcert din na magaganap sa labas ng Philippine Arena at isa si Martin Nievera sa magiging performer.

“Lahat ng gustong sumali at tumakbo, puwede silang mag-register online at www.runrio.com o kaya sa ibang registrati­on sites tulad ng Toby’s Sports, Hazelberry Café and Philippine Arena. “Puwede silang tumakbo sa 500 meters, 3K, 5K at 10K.”

Ano ba ang challenge sa pagkakaroo­on ng kapatid na may Down syndrome? “To be honest, medyo mahirap,” pagamin ni Ara.

“Mas hirap yung mommy ko, Pag nahihirapa­n na yung mommy ko, pinapasa niya sa akin si Batching. Kasi they have tantrums, as in talagang nagbabalib­ag sila, nananakit sila, ganyan. Tapos bumibigat sila pag nagta-tantrums, kahit ilan kayo hindi mo siya mabubuhat.

“Kaya dapat dalasan natin yung activities na involve sila. Itreat sila as normal para maging normal din yung mga actions nila. Pero malambing yan, sweet. Pag birthday ko kinakantah­an niya ako, tapos yayakapin ako,” patuloy pa niya.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines