Sun.Star Pampanga

PAGHAHANDA SA KALAMIDAD

-

ROLLY R. DE LEON

Hindi lingid sa ating kaalaman na ang ating bansa ay laging binabayo ng ibat-ibang mga kalamidad tulad ng bagyo, lindol, baha, landslide pagsabog ng bulkan at tsunami. Taon-taon ay marami ang mga nasasawi, nasisiraan ng kabuhayan at nawawalan ng tirahan.

Ang ating bansa ay nasa Typhoon Belt at Pacific Ring of Fire kaya naman maraming mga dumadaang mga bagyo sa atin. Ang mga lindol at pagsabog ng mga bulkan ay madalas ring nangyari.

Ang ating gobyerno ay naghahanda para sa isang malakas na lindol na maaaring mangyari sa ating bansa. Ito ay ang tinatawag nilang “BIG ONE”. Lubhang nakakapang­ilabot ang nangyaring lindol sa Japan noong 2011 may lakas sa magnitude 9.0 tinatayang 21,377 ang mga namatay at nawawala.

Ang BIG ONE ay maaring magtaya ng lakas na magnitude 7.1 at isa ang Metro Manila sa lubos na mapipinsal­a at may posibleng aabot sa 30,000 na buhay ang mawawala. Kaya naman mayroong programa ang ating gobyerno sa pakikipagt­ulungan ng ibat-ibang ahensya tulad ng DRRMC, PNP, AFP, BFP, DEPEd at iba pa na taon-taong ginagawa ang National Earthquake Drill na layunin nito na maihanda ang bawat isa kung ano ang dapat gawin kapag mayroong mga kalamidad.

Totoong hindi natin maiiwasan ang ganitong mga kalamidad ngunit sa tulong-tulong at paghahanda ng bawat isa ay maaring mabawasan ang dami at lawak ng pinsala at maari ding maiwasan o mabawasan ang dami ng buhay na maaring mawala.

Kailangang makipagtul­ungan ang bawat isa mula sa ating mga kanya-kanyang pamilya o tahanan ay gawin na natin ang ganitong mga paghahanda. Maging ang mga eskwelahan sa ating mga trabaho o kung nasaan man tayo dahil hindi natin alam kung kalian darating ang kalamidad kaya wala ng hihigit pa sa lagging nakahanda parang boyscout ika nga.

— oOo—

The author is SST-II at Basa Air Base National High School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines