Sun.Star Pampanga

Low-morale na naman ang senior superinten­dents

-

Maraming umaasahang mga police senior superinten­dent nakatalaga sa Police Regional Office III (PRO-3) headquarte­rs na mabibigyan ng “break.”

Ilan ng beses nangyari ang kanilang inaasam na mabigyan ng “break” upang maupo o maitalagan­g maging provincial o city police director.

Noong una, ilan sa kaibigan ng Dateline na mga senior superinten­dent ang kasama sa listahan mapipiling maging provincial police director ng Bataan.

Kanya-kanya sila lakad sa provincial governor ng Bataan at iyong iba dito pinangakuh­an siya ang pipiliin nito.

Subali’t biglang itinalaga si Senior Superinten­dent Marcelo Dayag ng PNP National Headquarte­rs ng Camp Crame. Kaya naman low morale ang mga senior police officer naghihinta­y ng “break” sa Camp Olivas.

Nang ma-relieved si Senior Superinten­dent Joel Consulta ng Pampanga Police provincial director, ang mga senior superinten­dent sa Camp Olivas ay nasama din sa maaaring piliin ng Pampanga governor.

Nguni’t hindi nangyari ito, biglang itinalaga na naman ng PNP National Headquarte­rs si Senior Superinten­dent Nicolas Salvador. Nagulat si Governor Lilia Pineda sa biglaang pag-upo ni Salvador at hindi man lang binigyan karapatan upang mamili sa mga kandidato.

At nitong nakaraang linggo lamang, limang senior superinten­dent dito sa kampo ang kasama sa listahan maging kapalit ni Senior Superinten­dent Mateo na kung saan natapos nito ang two year term.

Ang nasabing listahan ng limang maaaring mapili ni Zambales Governor Amor Deloso hindi rin nasunod.

Ito’y matapos biglaan itinatalag­a na naman ng PNP National Headquarte­rs si Senior Superinten­dent Cosme Abrenica.

Nagulat ang mga kandidato sa Zambales police dahil iyong listahan nilang lima ay dated July 12 at ibibigay pa lamang kay gobernador.

Ang siste, July 11 ang “order” ni Abrenica at ang nakasaad doon ay Acting Provincial Director. Hindi man lang itinalaga muna officer-in-charge upang makapapili si Deloso.

Sabi nga ng mga senior superinten­dent, ano ba ang nangyayari sa PNP at wala ng proseso ang pagkakatal­ga sa mga provincial at city police director?

Sabi nga nila, ina-appoint na lamang ang gusto nilang maging provincial at city police director.

Naging “policy” na ang pag-appoint sa mga provincial at city police director simula kay dating Chief PNP Director General Ronald “Bato” Dela Rosa...

Sa kasalukuya­n mukhang sinusunod ni Chief PNP Director General Oscar Albayalde ang pagappoint. Bakit kaya ganito na ang naging policy ng PNP? Nagtatanon­g lang po ....

Kung hindi ka “bata” ng nakakataas wala ka nang pagasang o karapatan maupo bilang provincial at city police director? Nagtatanon­g lang po...

Marami ng mga senior superinten­dent “low morale” sa bagong policy ng PNP na pag-aappoint ng kanilang mga “bata.”

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines