Sun.Star Pampanga

‘GISING NA! ORAS NA!’

-

AMAPOLA MADERAS-FERNANDEZ

Kadalasan mapapaos na kakasigaw si nanay bago tuluyang bumangon ang mga anak para pumasok sa eskwelahan sa tuwing mga araw ng Lunes hanggang Biyernes. Dahil sa maaga ang oras ng pasok, marahil napapahaba ang tulog at napakihara­p talagang tumayo sa kinahihiga­an. Kinakailan­gang bumangon ng maaga upang maghanda sa pagpasok sa paaralan. Aalis sila ng tahanan ng mabigat sa kanilang kalooban sapagkat karamihan ay mas ninanais na maupo sa harap ng telebisyon o sa harap ng kompyuter.

Hindi lamang ito suliranin ng mga magulang, kundi problema din ng mga guro. Isang pagsubok kung paano hikayatin ang mga mag-aaral na pumasok sa paaralan ng buong kasiyahan at hindi mabigat sa kalooban.

Sa tuwing araw ng Lunes dapat ay pagsakasab­ik sa pagpasok ang kanilang nararamdam­an. Maari nating itong umpisahan sa pagkilala sa sarili at pagpaparam­dam na kabilang ang isang bata sa klaseng kanyang ginagalawa­n. Mahalaga na ang bawat bata ay mabigyang pansin at masabi at mapakingga­n ang kaniyang mga opinion. Maari ring gumawa ng mga pangkatan para sa mga gawain sa paaralan, na napatunaya­n na sa mga pag-araal na epektibo hindi lamang sa akademikon­g pagkatuto pati na rin sa pakikipagk­apwa-tao.

Dahil napakahala­ga ng edukasyon, nararapat lamang na ang guro ay mahusay at may kasanayan sa pagganyak sa kaniyang mag-aaral upang dumalo sa klase. Maari silang magsagawa ng mga modernong paraan ng pagtuturo. Ang mga halimbawa ay sa pamamagita­n ng mga laro, dula-dulaan lalo pa na usong-uso ito sa mga kabataan. Kapag ang mag-aaral ay nasisiyaha­n nabibigay sa kaniya ng kasabikang pumasok sa klase, ay isang malaking tagumpay sa mga magulang at mga guro.

Ang mga kabataang nasisiyaha­n sa pag-araal ay hindi na kailangan pang pilitin upang pumasok sa paraalan, mag-aral ng mabuti, gumawa ng mga takdang-aralin at ng proyekto, dahil mayroon silang sariling sigasig sa edukasyon.

Ang makasaksi ng isang kabataang may sigasig sa pag-aaral ay pagsaksi sa kaniyang tagumpay. Ang kabataang masigasig sa pag-aaral ay ikinararan­gal ng magulang at tagumpay ng isang guro.

— oOo—

The author is Master Teacher I at Doña Asuncion Lee Integrated School, Xevera, Tabun, Mabalacat City

Newspapers in English

Newspapers from Philippines