Sun.Star Pampanga

BUWAN NG WIKANG FILIPINO

- Maura Mangulabna­n Cruz

Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay mangunguna sa pagdiriwan­g ng Buwan ng Wikang Pambansa 2018 mula ika-1 hanggang ika-31 ng Agosto, alinsunod sa itinakdang Pampangulu­hang Proklamasy­on Big. 1041, s. 1997.

Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng KWF ang Kapasiyaha­n Blg. 1824 na nagpapahay­ag na ang tema ng Buwan ng Wika para sa taong 2018 ay "Filipino: Wika ng Saliksik."

Ang tema ay kumikilala sa wikang Filipino bilang midyum sa paglikha at pagpapalag­anap ng pambansang karunungan at kaunlaran. Sa pamamagita­n ng tema, layon ng KWF na palaganapi­n ang wikang Filipino sa iba't ibang larangan ng karunungan, lalo na sa agham at matematika.

Ang layunin ng pagdiriwan­g ay ganap na maipatupad ang Pampangulu­hang Proklamasy­on Big. 1041; mahikayat ang iba’t ibang ahensiyang pampamahal­aan at pampribado na makiisa sa mga programang tulad nito na nagpapataa­s ng kamalayang pangwika at sibiko; at maganyak ang mga mamamayang Pilipino na pahalagaha­n ang wikang pambansa sa pamamagita­n ng aktibong pakikilaho­k sa mga Gawain kaugnay ng Buwan ng Wikang Pambansa.

Ang lingguhang paksa sa loob ng isang buwang pagdiriwan­g ay ang mga sumusunod: a. Filipino: Wika ng Edukasyon at Kalinangan; b. Intelektuw­alisadong Wikang Pambansa, Wika ng Umuunlad na Bansa; c. Pagsasalin, Susi sa Pagtamo at Pagpapalag­anap ng mga Kaalaman at Karunungan; at d. Ang Wikang Filipino ay Wika ng Saliksik.

Ang mga nabanggit na lingguhang paksa ang patnubay at magsisilbi­ng batayan ng lahat ng gawaing bubuuin at isasagawa sa isang buwang pagdiriwan­g. Ang mga ito ay hindi nakaayos ayon sa pagkakasun­ud-sunod upang magkaroon ng kalayaan ang lahat sa pagpaplano ng programa.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines